Chapter 40 Missing him

372 10 9
                                    

A/N : Haay grabe nakapagUD na rin sa wakas. Nakakatampo lang. Hidni ako umabot ng 10 votes. Pero since mahal ko ang mga cative readers ko, magUD na ako :)) Keep voting and reading LYATT! Thank you so much sa mga nagbabasa. Comment din po kayo. Natutuwa po kasi ako kapag nakakabasa ng mga comments. Mas ginaganahan ako magsulat :) Salamat :)

****************************************************************************************************

“Whoooo Laguna here we come!!!!” sigaw ni Ken habang nakadungaw sa labas ng bintana ng van na sinasakyan namin.

“Oi Ken ang ingay ingay ng bunganga mo. Will you please shut up” mataray na pagkakasabi ni Cloe sabay isnab kay Ken. Well ganyan naman sila parati. Parang aso at pusa kung magaway.

Sina Dave at Matt naman ayun mga tulog. Todo nganga pa. Parang mga bata. Hindi makatulog dahil sa sobrang excited. Sina Yvonne at Hydee naman ayun kanya kanyang selfie sa gitna. Malamang mapupuno nanaman ng pagmumukha nila ang facebook home ko mamaya.

SIna Luke at Patricia ayun nagmomoment sa harap. Nasa likod kami kasi nina Xander, Leanne at Nathan. Nandito ako sa may window side at katabi ko si Xander. Si Nathan naman nasa kabilang side ng window.

On the way na kami sa private resort nila Luke sa Laguna. Ilang oras na rin akong tahimik sa byahe. Hindi ko maiwasan tumingin sa side kung nasaan si Nathan katabi ni Leanne. Okay n asana yung view kaso nakahilig sa balikat ni Nathan si Leanne. Haaay. Sana ako na lang yun.

“Ok ka lang ba Chanel? Gusto mo ng chips?” alok sakin ni Xander ng Pringles.  

“Ah salamat na lang Xander. I’m fine. Medyo inaantok lang dahil ang aga nating umalis”  I lied. Ang totoo niyan hindi talaga ako okay dahil nga sa nakakaasiwang view na nakikita ko. Ikaw ba magiging okay kung yung lalaking mahal mo nakikita mong sweet kasama ng girlfriend niya I mean fiancée??

 

“Ah ganun ba. Come here.” Inakbayan niya ako at inihilig ang ulo ko sa braso niya. Haaay Xander. You’re such a nice guy. Paano ko naman sasabihin sayo na iba ang gusto ko. Kung ibang girl lang siguro yung nasa posisyon na to sigurado laglag na panty sa kilig pero bakit ako wala akong maramdaman.

I stayed in that position at ipinikit ko ang mga mata ko. Ang aga aga bad vibes ang nakukuha ko. Tama iidlip na lang ako. Baka mamaya mahuli pa ako ni Nathan na tumitingin sa kanya.

“Chanel, wake up. We’re here” Xander tries to wake me up. Kinusot kusot ko ang mata ko at nagunat. Nakaidlip pala ako.

“You’re so cute” sabay pisil sa dalawang pisngi ko ni Xander.

“Papamulahin mo nanaman ang pisngi ko niyan eh” reklamo ko sabay haplos sa pisngi ko. I’m su’re namumula nanaman to. Amp.

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon