Chapter 12 A shoulder to cry on

576 18 3
                                    

Pasensya na maikli yung update ko ngayon :) Promise magupdate ako tom

-sassykimmy

Pakivote naman po yung LYATT. Tnx.

*******************************************************

Chanel’s POV

Nagising ako ng 5:15 am kasi magpeprepare pa ako pagpasok. Wala akong kasama sa bahay ngayon kundi si Yaya Rosing lang. Wala nanaman kasi si Mommy at Daddy. Inaasikaso nanaman yung business namin abroad. Well, sanay naman na ako run kasi ever since si Yaya lang ang kasama ko.

“Yaya, alis na po ako” paalam ko sa kanya

“O sige magiingat ka iha. Siya nga pala, tumawag si Madam kanina”

“Oh? Anong sabi ni Mommy?”

“Hindi daw siya makauwi ngayong month kasi after daw nila sa Cali may aasikasuhin din sila sa France”

“Ah ganoon ba? What’s new? O sige na yaya una na ako”

“Sige Chanel”

Lagi na lang business ang focus nina Mommy at Daddy. Hindi ko na halos sila nakakasama. Minsan nga kahit pasko, birthdays hindi ko sila nakakasama. Kapag nandito naman sila sa Pilipinas, parang wala rin. Hindi rin kami nagbobonding kasi busy sila magpatakbo ng business. Hindi naman nila ako nakakalimutang padalan ng allowance at iba pang panggastos sa bahay.

Sumakay na ako sa car and inihatid na ako ni Manong Jun sa school.

Friday na pa lang pala ngayon. TGIF! Makakatulog ako bukas ng mahaba!

Umakyat na ako sa room ko. Wala pa masyadong tao. Wala pa yung tropang HB at PG. Iniwan ko na yung bag ko at naglakad lakad muna ako. Umakyat ako sa rooftop.

“Xander, tigilan na natin to”

Xander? Siguro si Leanne ang kausap niya. Alam kong maling making sa usapan ng iba pero curious talaga ako kaya nagtago na lang ako sa may pinto.

“Hindi mo na ba ako talaga mahal Leanne? *sob*

Nakalimutan mo na ba ang lahat?

Wala na ba talagang pag-asa?

Hindi na ba natin pwedeng ibalik yung dati?”

“Hindi na kita mahal. Kaya please wag na wag mo na akong guguluhin. Masaya ako kay Nathan. Hindi na ako babalik sayo. Kalimutan mo na ako.”

Nagmadali akong bumaba dahil nakita kong paalis na si Leanne sa rooftop.

Nagtago lang ako sa isang side tapos noong nakita ko siyang nakaalis na pumanik ulit ako para puntahan si Xander

Nakarating na ako sa taas at nakita ko si Xander.

Iyak siya ng iyak. Ang hirap makakita ng lalaking umiiyak.

Alam mo kasi na pag lalaki na ang umiyak ibig sabihin masakit talaga ang pinagdadaanan nila. Ikaw kasi ang kulit kulit mo eh. Wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa kanya Xander.

“Xander..”

“Chanel… Ang sakit. Ang sakit sakit!”

“Xander…”

Niyakap ko siya. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya

“Chanel, ayoko na pagod na ako. Kakalimutan ko na siya. Makikita niya na makakapagmove on ako”

Sa ngayon eto lang ang magagawa ko para sa kanya. Ang damayan siya sa sakit na nararamdaman niya. I’ll be his shoulder to cry on.

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon