Chapter 34 First day of Camp with you know who

464 14 5
                                    

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Ang aga ko kasing nagising eh. Teka ano tong sinasandalan ko.

Bigla akong napasandal sa upuan ng bus. Nakadantay pala ako kay Nathan. Amp. Nakakahiya. Baka isipin pa nito, type ko siya. As if! Hindi ko type ang mga bipolar na kagaya niya.

Tinignan ko siya at nakapikit pala siya. Tahimik din sa bus. Tulog yata lahat. Baka excited din kagaya ko kaya di nakatulog hahaha.

Mukhang tulog din si Nathan. Mabuti naman kung ganun. At least di niya alam na nakapatong ang ulo ko sa balikat niya kanina. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. He looks like an angel. Sana ganyan ka na lang palagi. Kung ganyan ka, baka mainlove na ako sa’yo ng tuluyan. Huh? A-anong sabi ko! Erase erase. Hindi ako maiinlove sa kanya. Oo gwapo siya. Period. Kaso sama naman ng ugali. Hindi ako maiinlove sa kanya ever!

Biglang tumigil ang bus. Tumingin ako sa labs ng window. Wow. Probinsyang probinsya ang dating. Puro puno. May ilog pa nga eh. Tapos may mga bundok. Ang ganda. Nakakarefresh. Gumising na yung mga kaklase ko at tumayo na para lumabas. Eto namang si Nathan tulog na tulog pa rin. Haaay naku bahala siya. Iwan ko nay an dito. Ay bobo amps. Magkahandcuffs nga pala kami. Amp naman. No choice. Sige na casual talk lang naman ang gagawin naming.

*poke poke

“Nathan, gising na. Baba na tayo”

Aba tulog pa rin ah.

*poke poke

“Psst. Maiiwan na nila tayo. Gumisng ka na diyan”

Wah epek ah. Wala akong choice kundi gawin to

“HOY LALAKI GUMISING KA NA!”

Bigla siyang napatalon sa upuan. Tapos nanlaki yung mga mata niya na halatang gulat na gulat. Natatawa ako pero pinipigilan ko

“ANO KA BA? KAILANGAN MO BA TALAGANG SUMIGAW? DAIG MO PA YUNG MEGAPHONE NI MAM!”

“Mabuti naman at gising ka na. tara na. Nasa baba na sila” natatwa pa rin ako kapag naiisip ko yung reaksyon niya kanina nung gulat na gulat siya at napatalon pa sa upuan. Grabe. EPIC! Sarap picturan!

“Hoy, may nakakatawa ba? Bakit pangiti ngiti ka jan?” nahahalata na nya na nagpipigil ako ng tawa.

“Pffffttt! HAHAHAHAHHAHAHA”

“Hoy babae, nasisiraan ka nanaman ba ng bait? Bakit tawa ka ng tawa dyan?”

Hindi ko siya iniintindi. Ang sakit na nga ng tiyan ko kakatawa. Grabe. Patuloy pa rin ako sa pagtawa.

“Hoy. Aisssh. Nababaliw ka na”

“T-tara na hahahahaha. Baka maiwan pa nila tayo”

Bumaba na kami sa bus. Nakamove on na ako sa kakatawa pero natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yung reaksyon niya kanina. Naglakad lang kami sa may palayan. Nagdahan dahan kami dahil medyo madulas.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhh!”

Muntikan na akong maout of balance at mahulog sa putikan. Phew.

Bigla akong niyakap ni Nathan. At ngayon hindi pa rin kami nagbibitiw.

“Wag kang tatanga tanga. Ayusin mo paglalakad mo ng di tayo mapahamak”

“Ok. Pasensya na” sabi ko sa kanya tapos bigla na niyang binitiwan ang pagkakahawak niya sa akin.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad. Malayo layo pa raw yung lugar na pagcacampingan.

Nandito na kami banda sa may gubat. At kailangan naming tumawid sa hanging bridge. Waaah. I’m scared!

 “Kailangan ba nating dumaan diyan? Wala na bang ibang daan?” Nagsisimula ng dumaan yung mga kaklase ko at yung ibang fourth year.

“Safe naman yan.”

“Nakakalula. Tapos gumagalaw galaw pa”

“Tsss. Ang duwag naman nito. Ako bahala sayo. Magtiwala ka sa akin”

Nagsimula na kaming tumawid.

Natatakot ako at first pero inalalayan ako ni Nathan.

“Oh di ba? Hindi naman nakakatakot”

“Ok lang. Nakakaya ko naman. Salamat sa pagalalay ah” Grabe. Takot talaga ako sa matataas na lugar buti na lang tinutulungan ako ni Nathan

Nagnod lang siya. Nakalimutan ko na hindi na nga pala kami magkaibigan ni Nathan.

After 10 years nakarating na rin kami sa camping site. Whoooo kapagod.

Magtatanghalian nan g makarating kami. Halos 11 am na pala at mataas na ang sikat ng araw.

“Iset niyo na ang mga tent niyo. Pagkatapos niyo magayos, tulungan niyo naman kaming magpreprepare ng lunch natin” sigaw teacher naming gamit ang megaphone.

Iniabot na samin ang gagamitin naming tent. Sinimulan naming na itayo ni Nathan yung tent. Hindi naman mahirap kasi inflatable naman. Gumamit lang ng air pump si Nathan then ayun may tent na kami. Yahoo. First time ko kaya tong magcamping!

After setting up the tent, tumulong kami sa pagseset ng kainan. And finished! Kainan na!

Grabe gutom na gutom ako.

Nagpray kaming lahat and now Lafang na!!!

Nagsimula na akong kumain. Napansin ko na hirap na hirap si Nathan kumain. Haisst. Oo nga naman. Kaliwa yung gamit niya kasi nakahandcuffs yung kanan niya. Ako naman, kaliwang kamay ko yung nakahandcuffs

“Argggghh. F*ck” Naririnig ko na naiinis na siya kasi nahihirapan siyang sandukin yung kanin.

“Ako na diyan” sabay kuha ng kutsara niya. “Say ahhhh”

Eto lang ang naisip kong paraan para makakain siya. Yung subuan siya.

“A-ayoko nga. Kaya ko naman” bigla siyang umiwas ng tingin sa akin. Nahiya pa ang mokong.

“tsss. Wag ka ng mahiya. Say ahhh na”

“AHHHHH” tapos sinubuan ko na siya.

Tapos ako naman ang kumain. Tapos alternate.

“Ang sweet nila Chanel at Nathan oh. Ayiiiiieeeee” kantyaw ng mga kaklase ko

“Uy, ano ba kayo, tinutulungan ko lang siya. Maissue kayo”

“Tigilan niyo nga si Chanel at Nathan. Hindi ba guys, may sarisarili ng lovelife yung dalawang yan. Si Nathan kay Leanne at si Chanel naman kay Xander” rinig kong sabi ni Patricia.

“Ayy oo nga noh. Sayang bagay pa naman silang dalawa” rinig kong sabi ng kaklase kong isa na si Hillary

Kami ni Nathan? Bagay? Weeeehhh di nga? Parang hindi naman. Mas matatanggap ko pa kung kamini Xander ang bagay eh.

“After niyong kumain, magpahinga muna kayo tapos mamayang alas dos prepare na pupunta tayo sa falls doon sa may kabilang side. Tapos kailangan ding nating makabalik agad ditong lahat dahil delikadong gabihin sa gubat. Understood?

“Yes Mam” sagot naman naming in chorus

Papunta na kami ni Nathan sa tent para makapagpahinga. Mainit din sa labas kaya sumilong na kami dito sa loob. Tahimik lang kaming dalawa. Naawkwardan kami siguro bigla. Buwist kasi. Nakatiyawan pa tuloy kami.

“Nga pala salamat sa pagtulong mo sa akin kanina.” Finally he broke the silence

“Walang anuman. I’m just returning the favor” Tinulungan niya ako kanina kaya naman panahon naman para suklian ko yung ginawa niya. Ayoko ngang magkautang na loob sa kanya. At least quits na ngayon.

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon