Chapter 46 Stay by my side

247 7 0
                                    

Chapter 46 Stay by my side

Pagkakita pa lang sa amin ng barkada ay napahinto na sila sa mga ginagawa nila. Nakatitig lang sila sa amin ni Nathan at maya maya dumako ang tingin nila sa magkahawak naming mga kamay. Lahat sila nakanganga. Hindi ko tuloy alam kung masaya sila o baka magalit sila dahil kaibigan din namin si Xander at lahat sila aware sa sitwasyon naming lahat.

Nang makalapit kami ni Nathan, mas hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at tila ba sinasabi ng expression niya na okay lang ang lahat at ngumiti sa akin. Gumaan ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay magiging okay naman ang lahat hanggat nandito siya sa tabi ko. Nagawi naman ang mga mata ko kay Xander na nakasandal sa isang poste malapit sa cottage kasama ni Leanne.

“Alam kong nagtataka kayo ngayon bakit kami magkasama ni Chanel. Gusto ko sanang sabihin sa inyo na mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Chanel. Hindi ko siya sasaktan at aalagaan ko siya.”

“Wala namang kaso sa amin kung mahal mo si Chanel. Pero Nathan, pano na si Leanne? Hndi ba’t fiancée mo siya” usisa ni Patricia.

“Yes, technically ako nga ang fiancée niya” sumulpot bigla si Leanne sa tabi ni Nathan. “Pero dahil lang yun sa kasunduan ng mga magulang namin. We never loved each other. May iba akong mahal bago pa man kami maarranged ni Nathan. That is the reason why I broke up with Xander. I hope that naclear ko na sa inyo ung issue between my fixed marriage with Nathan. That’s all I want to say. Sorry guys for lying. I hope you could understand our situation.”

“What? Arranged lang ang lahat?” nagtatakang tanong ni Ken. Halatang gulat na gula. ang barkada sa nangyari

 “You heard it right Ken!” sambit naman ni Chloe na kakadating lang din sa cottage.

“OMG, so are you in a relationship now Nathan and Chanel?” excited na tanong ni Hydee. Bumaling naman sila lahat ng tingin sa amin na tila ba naghahantay ng sagot ko.

“Paano na si papa Xander?” usisa naman ni Yvonne

“Ano kaba naman Yvonne! Syempre may basbas ko na sila pati ni Xander!”

“What!!! Paano nangyari yun? At bakit parang alam mo lahat ng pangyayari dito?? Bakit parang kami lang ang walang kamalay malay?!?”

“Ang daya mo Chloe! Bakit di mo sinabi samin huhu!”

“Kami ding mga lalaki walang kaalam alam dito ah! Ang dadamot niyo!”

“Haha. Mamatay kayo sa inggit!”

“Well sorry guys, mas updated ako sa inyo bleh”

“Wag na kaya tayong magtalo talo. Let’s celebrate! Party harder!!!” sigaw naman ni Patricia at dahil doon naawat naman sila.

“Wait lang nga guys!” awat ko sa kanila. “Lilinawin ko lang ah. Hindi pa po kami. Kailangan muna yata niyang manligaw. Maghirap naman siya. Tama ba ako girls?!”

“Yeah right!” sabay sabay na sabi ng mga girls!

“Hina mo pala pre eh!” pangaasar naman ni Dave kay Nathan.

“May pag-asa pa pala tayo!!” sigaw ni Ken.

“Ang titigas talaga ng ulo niyo no. Si Xander at Nathan nga hindi napasagot si Chanel, kayo pa.” sabat naman ni Chloe. Mukhang alam ko na papatunguhan ng pag-uusap na to.

“Baka naman nagseselos ka lang kasi gusto mo talaga ako?” ika ni Ken na may tonong nanguusisa. Mas nilapit niya ang mukha niya kay Chloe dahilan para mapaatras ito at maout of balance subalit nasalo naman siya ni Ken sa baywang.

“Iwww. Get your hands off me! Ang pangit mo! Gosh!”

 “Guwapo ako ah! Ikaw lang tong bulag na sinasabing pangit ako! Ikaw yata tong walang taste sa lalaki eh.

“Anong sabi mo? Ako pa walang taste ah! FYI choosy ako at FYI ulit never kang makakasama sa choices ko!”

“Bakit?? Sinabi ko bang gusto kong mapabilang sa choices mo?”

“Wow ah! Akala mo kung sino ka ah!”

“Bakit kinaguwapo mo ba yan ah!”

At walang katapusang ratratan nanaman ang nangyari kina Ken at Chloe. Hindi na sila magkasundo pero kung titignan mo sila, kahit na ganyan ang tratuhan nila sa isa’t isa, may spark pa rin between them. Nagpatuloy ang party. Hindi ko naman mahagilap si Xander. Malamang kasama niya si Leanne ngayon dahil pareho silang MIA (missing in action) dito sa cottage.

“Thinking about something baby?” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Nathan na papalapit sa kinauupuan ko. Pareho na kaming nakaupo sa swing sa mini playground ng resort.

“Baby ka diyan” I pouted. But hearing it from him, I felt butterflies in my stomach. Ganito pala yung feeling nun. Hindi pa kami niyan. What more kung kami na? Gusto ko na siya sagutin pero sige papakipot na lang muna ako and besides, gusto ko muna makausap si Xander.

“Hindi mo ba gusto? What do you want? Honey? Cupcake? Muffin?”

“Pfft Nathan saan mo naman napulot yan? Ang gay mo talaga” sabay hampas sa likod niya.

“This is my first time na magkaroon ng ganitong klaseng relationship kaya hindi ko alam kung anu mga dapat kong gawin. Yung ibang couples kasi may tawagan. Dapat tayo rin. Endearment kumbaga.”

“Hindi pa naman tayo couple noh!”

“Malapit na rin yun Chanel. Kailangan na nating pag-isipan”

“Wow overconfident. Paano kapag di kita sinagot huh?”  tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin. Diretso sa mga mata ko.

“I will never stop until you say yes to me. I will make you love me and I will make sure that you’ll be thinking only of me.”

“Paano naman kung bigla na lang akong mawala?” sunod kong tanong sa kanya.

“Hahanapin kita. Hindi ako titigil hangga’t hindi kita nakikita. Kahit sa langit man o sa lupa ka magpunta, gagawa at gagawa ako ng paraan para magkasama tayo ulit.”

“Nathan, thank you for loving me this much. Promise me you’ll never be tired of me. Promise me that you’ll always look for me. I’ll be doing the same kung ikaw naman ang mawawala.”

“Chanel, wag na wag kang bibitaw. Starting this day, I will fight for you, I will fight for my freedom. Things will be harder lalo na kapag nalaman ni Dad ang tungkol sa atin. Leanne and I have been planning on how to break up our fixed marriage. Wag kang mag-alala Chanel. Matatapos din ang lahat ng to. And if you would permit me, I would like to meet your parents. Hihingin ko sa kanila ang permiso nila. I will prove to them how much I love you”

“Nakakatakot ba talaga yung Dad mo? usisa ko “Base sa pagkakasabi mo, parang napakastrict niya. May business naman kami. Pwede naman sigurong magmerge ang company natin kung papayag ang mga parents natin” Hindi naman ako natatakot sa Dad niya kahit na strict siya. Malinis naman ang intensyon namin sa isa’t isa. Isa pa may business din naman kami sa ibang bansa. Baka pwedeng family ko na lang ang maging business partner nila.

“Don’t think too much baby. Just promise you won’t leave my side” naramdaman ko ang mga labi niya na dumampi sa noo ko.

“I will never leave. I’ll stay be your side. We’ll get through this together” sambit ko at sabay naming pinanood ang paglubog ng araw habang magkahawak ang aming mga kamay.

Updated: April 16, 2014

Sana may mga readers pa ako!!! I'll try to update everyday since di naman na ako gano busy. Vote, Comment lang kayo guys!!!! Thanks!! - soundlesssonata

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon