Chapter 10 Memories from the past

580 17 6
                                    

Authors note: Hi guys. Sana continue pa rin yung pagsupport niyo sa story ko. Promise mas mageefort pa ako to make this story memorable. Hope na dumami pa yung votes and reads niya. Thanks guys. -sassykimmy

*************************************************************************************************************************

One week na rin ang nakalipas simula ng pumasok ako dito sa FHA (Fairhope Academy)

Madalas kaming magkasama ni Xander kaya naiisue na kami sa school.

Sanay na ako na pinagtitinginan ng mga girls na patay na patay kay Xander.

Sorry girls. But he’s mine. Charrroottt.

Good friends kaya kami nito ni Xander.

Hinahatid niya ako at sinusundo lagi sa room kaya etong mga PG at HB nagdududa na samin.

“Ui girl. Usap usapan na kayo sa school ni Xander ah” sabi ni Chloe

“Oo nga. Kayo na ba?” tanong ni Hydee

“We’re friends. Good friends” sagot ko

“Ang showbiz ng sagot! Mga charotera!”  sabi ni Hydee

“Kung sayo man mapupunta si papa Xander ayos lang sakin Chanel. Basta wag lang sa iba! You look good together eh”

“Mga balew! Hindi kami. Okay?”

“Okay sabi mo eh”

“Sabi ko sayo pare hindi sila eh may pag-asa pa tayo kay Chanel” Narinig kong sabi ni Ken

“YES!” ayan nanaman ang yes ni Dave

“Makayes ka talaga Dave wagas!” sabat ni Matt

“Hindi mo ba kami type Chanel?” sabay sabay sabi ng tatlong ugok. Nakapuppy eyes pa. Ang cute!

“Hindi niyo ko madadaan sa puppy eyes niyo no.”

“Bleeehhh buti nga sa inyo! Busted! Chupi! Sabi ni Patricia

Nakikita pa rin namin si Leanne na kasama si Nathan aka Mr. sunget. Si Xander naman kahit itago pa niya sa akin nafifeel ko na affected pa rin talaga siya sa nagyari sa kanila ni Leanne.

 “Wait di ba promise ko sayo na itotour kita dito sa school?” paalala sakin ni Xander

“Ah oo. Hindi ko pa napupuntahan yung ibang lugar dito eh. Ang napuntahan ko lang yung building natin, ung cafeteria saka yung rooftop”

“So nakaakyat ka na pala sa rooftop? Anong masasabi mo?”

Naalala ko nanaman tuloy yung mga nangyari samin ni mr. sunget sa rooftop. Kakainis.  Ako flat chested? Di naman ah!

“Ah-eh okay naman. Maganda dun. Tara tour mo na ako”

“Tara na?” tapos nilahad niya yung kamay niya na para bang hinihingi yung kamay ko.

Bakit ba puno ng kasweetan ang lalaking ito. Siguro noong nagpaulan ang Diyos ng kasweetan gising na gising to. Tapos yung Nathaniel naman na yun malamang tulog at nakabalot pa sa kumot. Aissshh. Bakit ko ba yun iniisip naku. Erase Erase Erase.

“Let’s go!” at ngumiti ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya

Una kaming pumunta sa gymnasium ng school. Wow. Ang laki pala talaga nito. May swimming pool pa na indoor. May basketball court, may parang dance studio pa. Basta ang ganda!

“Wow. Ang ganda. Hindi ko alam na may swimming pool pala dito”

“Marunong ka ba lumangoy?”

“Oo naman no. Swimmer kasi ako sa dati kong school. Lumalaban ako sa mga competition.”

“Gusto mo bang makasali sa swimming team dito?”

“Oo naman no. Namimiss ko na rin naman tong gawin eh.”

“Sige kakausapin ko yung coach kung kailan ka pwedeng magtry out”

“Uy talaga?! Di nga?  Salamat sa tulong mo ah”

“Naku wala yun.”

Lumabas na kami ng gym. And nag-ikot ikot sa loob ng mga buildings, library, teacher’s office at kung saan saan pa. Airconditioned lahat ng rooms including the corridor. Dapat lang noh. Ang mahal kaya ng tuition fee dito.

Naikot na naming lahat

Bongga may garden rin pala dito. Wow. School ba talaga to? Parang park na sa laki tong garden ah!

“Xander, punta tayo sa garden”

Bigla siyang tumahimik

“Ayaw mo ba sige ayos lang sakin. Tara na dun na lang tayo sa iba”

 “Hindi. Tara upo tayo sa bench”

Dinadama ko lang yung simoy ng hangin. At ang bango din dito kasi napapalibutan ng mga flowers yung garden. Ang peaceful din kasi walang gaanong student na nagpupunta dito.

“Dati rati kami ni Leanne nagpupunta dito”

“Sorry. Hindi ko alam. Kaya pala ayaw mong pumunta dito”

“No, it’s fine. Napakarami naming memories dito sa garden ni Leanne.”

Napabuntong hininga siya.

Tahimik lang kaming dalawa. Tinignan ko siya. Halata naman sa kanya na hindi niya pa rin makalimutan si Leanne. Halos one month na ang nakalipas pero siya pa rin ang nasa isip niya. 

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon