Chapter 50 My Everything

222 4 2
                                    

Warning: Mejo SPG lang

Chapter 50 My Everything

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos ang party ni Luke. Lahat kami nabigla sa pangyayari. Si Patricia hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakausap. Nag-aalala na nga kaming barkada sa kanya. Ilang araw naman matapos ang party, tinext kaming lahat ni Luke para magpaalam na aalis na siya papuntang States. Pumunta kaming lahat ng airport. Hindi nagpakita doon si Pats. Hanggang ngayon clueless pa rin kami sa mga nangyayari. Ang tanging alam ko lang ay madaming nagbago sa barkada simula ng magkahiwalay si Patricia at si Luke.

Nagbalik eskuwela na kami. Nagulat kami ng pumasok si Patricia. Lahat kami napatingin sa kanya.

“Hi guys! Did you miss me?” bati niya sa amin ng may malaking ng ngiti. Hindi kami nakapagreact agad dahil hindi namin ineexpect na magiging ganito ang pagkikita namin muli sa kanya. Kapansin pansin ang pagbabago ng hairstyle niya pati pananamit. Nagpaikli siya ng buhok at naging stylish na rin sa pananamit.

“H-hi! Wow new look” awkward na bati ni Chloe. Yung mga boys naman natulala din dahil sa inasta ni Pats pero di kalaunan ay napailing.

“Long time no see girl!” salubong sakanya ni Yvonne at Hydee with matching hug

“Namiss ka naming babae ka! San ka ba nagsususuot?” this time si Chloe naman ang yumakap kay Pats.

Lumapit na rin ako. “Ui! Namiss rin kita. Tagal ka naming di ka nakausap.”

“Naging busy lang ako this past few days. Alam niyo naman yung business ng family ko gusto na nila akong turuan kung panu maghandle nun” pagdedepensa niya sa akin. “Uy Kayo ni Nathan? Going strong naman ba?” dugtong pa niya

“A-eh okay kami. Hehe” pilit kong tawa. Alam ko naman na deep inside hindi siya masaya. Alam naming lahat na hindi siya okay pero sinusubukan niya lahat ng makakaya niya para hindi kami mag-alala.

“Baby, nag-aalala ako sa inaasta ni Pats” ika ko kay Nathan matapos ang first subject namin.

“Pero wala tayong magagawa dun baby.” Hinaplos niya ako at unit unting hinawakan ang kamay ko. Naginit naman ang mukha ko dahil sa ginawa niyang yun. Kahit na ilang beses na kaming nagholding hands di pa rin nawawala ung kilig factor. Parang kada hawak niya sa akin, may mga paruparu sa tiyan ko na nagwawala dahil sa sobrang kilig. “Silang dalawa lang ni Luke ang makakaayos ng problema nila. Ang tanging pede nating gawin ngayon ay bantayan si Pats at tulungan siyang makarecover” napabuntong hininga naman ako. Tama si Nathan. Bilang kaibigan, hindi namin dapat pabayaan si Pats.  “Kapag nakausap namin si Luke, susubukan kong alamin kung ano ba talaga ang problema.” Aniya.

“Hindi rin kasi ako naniniwala na basta basta na lang aalis si Luke para sa studies. At isa pa willing namang sumama si Pats pero pinigilan niya. I guess may mas malalim pang rason behind Luke’s migration” Ani ko kay Nathan.

Nagdaan ang mga ilang mga araw. Naging normal na sa amin ang pagasta ni Pats. Madalas siyang makipagdate. Pinipigilan namin ito at pinagsasabihan subalit matigas ang ulo niya. Napakalaki ng pinagbago niya simula ng magkahiwalay sila ni Luke. Ganito nga siguro ang nagagawa ng pagibig. Kapag nasaktan ng sobra sobra, may tendency na maging manhid o masira ang isang tao.

Nagring ang cellphone ko. Alas otso pa lang ng umaga. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Nakita kong si Nathan ang tumatawag kaya dali dali ko itong sinagot.

“Goodmorning baby ko. How’s your sleep?” masiglang bati niya sa akin.

“Goodmorning din baby. Okay naman. Maayos naman akong nakatulog.” at kinusot ko ang mata ko at naginat ng kaunti.

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon