"Kuya?"
"Tangina kang lalaki ka. Talagang hindi ka pa lumayas sa lugar na ito para masundan ka lang kapatid namin?" gigil na sabi ni kuya Hemlock habang mahigpit na nakakuyom ang kamao.
"It's not what you think it is, mga kuya. Nandito ako dahil may importante akong kailangan kay Zayn."
"Ang magpagapang?!" bulyaw ni kuya ni Spurge. "Iyon ba?"
"Mali kayo ng iniisip. Hayaan niyo nga muna akong magpaliwanag."
"Ano'ng mali? Ano'ng paliwanag? Tingnan mo nga 'yang hitsura mo? Damit 'yan ng gagong 'yan, 'di ba? Hindi ka na ba nahiya sa sarili mo? Talagang pumunta ka pa rito para magpakamot sa lalaking iyan?! 'Tangina, hinahayaan ka na nga namin diyan sa kalokohan mong manlalaki, pero sumusobra ka naman na yata. Talagang dumayo ka pa rito para riyan sa Ex mong sumira sa buhay mo. Ganyan ka na ba kakati?" dugtong ni kuya Spurge.
"Ano ka ba, kuya Spurge? Kung anu-ano na sinasabi mo nang hindi ka man lang nagtatanong sa akin. Hindi mo man lang ako hinahayaan na magpaliwanag."
"Dahil wala ka ng ipapaliwanag. Dahil nakita na namin ang lahat."
"Ganyan na ba ako kababa sa tingin sa niyo?"
"Bakit, hindi ba?" inis na tanong ni Kuya Hemlock na hindi ko masagot. Well, I can't blame them; lalo na at alam nila ang mga ginagawa ko. "Huwag na tayong maglokohan, Keisha, dahil lahat tayo alam kung anong klase kang babae. Mahal ka lang namin dahil kapatid ka namin kaya ka namin kaya nagbubulagbulagan kami. Dahil alam naming iyan ang paraan mo para makatakas sa sakit ng nakaraan mo."
"But it doesn't mean... Kuya Sage!" sigaw ko nang makitang bumunot si kuya Sage at tinutok kay Zayn, kaya mabilis akong napaharang na akala mo naman talaga may magagawa ako dahil sharp shooter siya.
"Pinagbigyan na kita," kalmadong sabi niya kuya Sage sabay kalabit ng baril.
"Kuya!"
Fuck! Mabuti na lang at mabilis pa rin ang reflexes ko. Naangat ko agad ang kamay niya bago pa pumutok ang baril na naitutok niya sa amin.
"What the hell are you doing?" inis na tanong kuya Sage.
"Pwede ba kumalma ka muna, kuya." I held his hand para awatin siya.
Narinig ko ang sigawan sa labas ng bahay. Halata rin na marami nang nakiusyoso sa baba.
"Kiel!"
Sunod-sunod na dumating ang mga lalaki. Sila iyong mga nakausap ko kanina at nagturo sa akin sa bahay ni Zayn, kasama rin nila ang babaeng nag-aasikaso sa kanya kanina. Pero napahinto din sila nang makita ang mga tauhan nila kuya at tinutukan pa sila ng baril.
"Huwag na kayong makialam dito," utos ni Zayn sa mga kaibigan niya na nakatulala na lang sa amin at halata ang takot sa mga mukha. "Huwag niyo silang sasaktan dahil wala silang laban sa inyo," pakiusap niya sa mga kapatid ko.
"Get him!" utos ni kuya Spurge sa mga tauhan niya para kunin si Zayn.
"Kuya, stop!"
Pero nahawakan na agad ng mga ito si Zayn na hindi pa rin pumapalag. Ang tarantado, mukhang wala na rin pakialam sa sarili niyang buhay at hinahayaan na lang ang mga kuya ko.
"Get her," kalmadong utos ni kuya Sage sa dalawang lalaki na katabi ko para hawakan ako.
Pero bago pa ako nahawakan ng dalawa ay nakuha ko agad ang baril mula sa isa. Kaharap ko si kuya Sage habang nakatutok ang baril sa ulo ng tauhan niyang nasa gilid ko. Nagsigawan ang mga kaibigan ni Zayn, pero walang bumaba. Parang nanonood ng live action scene.
"Tell your goons to leave Zayn alone, Kuya, or I will pull this trigger."
"Tinatakot mo ba ako, Keisha?" Kuya Sage asked. "Bago pa pumasok sa akin ang mga 'yan ay alam na nilang pwede silang mamatay sa trabaho nila. Do it."
BINABASA MO ANG
Del Valle 1: Keisha Fleur's Seductive Touched
General FictionKiesha Fleur Del Valle... a doctor, yet she can't cure herself. She was a prisoner of her dark past, a past that almost destroyed her. Sinaktan siya ng lalaking pinakamamahal niya-ang nangakong siya lang ang iibigin, si Zayn Ezekiel Collins. Ibinila...