Chapter 39 *Sayonara*

601K 11.5K 1.3K
                                    

Chapter 39

*Sayonara*

 

[Maisie’s POV]


“Maisie, ma-mimiss talaga kita. Alam ko naman na matagal mo ng dream ang makapa trabaho sa Paris! I know magiging successful ka!”

“Uy Maisie pag isa ka ng sikat na fashion designer walang kalimutan ah?”

“I want you to be the one designing my wedding gown kaya dapat umuwi ka sa Pilipinas ah?”

Isa-isa kong pinakinggan ang mga speech para saakin ng mga close friends and relatives ko. Iyak tawa na nga ako dito eh. Hindi ko expected na masaya dahil aalis na ako para abutin ang mga pangarap ko pero malungkot kasi iiwanan ko na ang mga taong to. On the other hand, natutuwa ako dahil nakikita ko ang wagas na suportang binibigay nila saakin.

Nang matapos na ang speech ng mga kaibigan ko, turn naman ng family ko para magsalita. Sabay na lumapit si mommy at daddy sa microphone at nakita kong maluha-luha na si mommy.

“Maisie,” sabi ni mommy “kahit hindi ka saakin nanggaling, kahit step mom mo lang ako, I want you to know na mahal na mahal kita and itinuring kitang akin. Go reach for your dreams. We are always here to support you..”

I smiled at her.

Dati nung namatay yung real mom ko, akala ko hindi na ako makakaranas pa na kalinga ng isang ina. Pero nung nag pakasal ulit si daddy, napakasaya ko kasi hindi lang mommy ang dumagdag saakin pati narin kuya.

It’s daddy’s turn to speak “do great things Maisie. I know you can be successful. Anak kita eh”

“thank you daddy” sabi ko sa kanya na medyo teary eyed.

Pareho na silang bumalik sa kani-kanilang upuan. This time, it’s kuya Jake’s turn to give a speech.

Napangiti ako ng makita ko siya. Itong kuya ko talaga up to the last minute hindi ako nagawang pagbigyan. Talagang hindi siya nagsuot ng maskara. Pero kahit ganyan yan, mahal na mahal ko yan.

Tinignan ako ni Kuya Jake “Maisie, be happy” sabi niya and after that, umalis na siya sa harap.

Be happy.

Dalawang words lang ang message para saakin ni Kuya Jake.

Pero bakit parang napakalalim nito? Kaya ko ba talagang maging masaya?

Natapos na ang message speech pati ang bigayan ng mga regalo. In few minutes, magsisimula na ang sayawan.

Bago magsimula yung sayawan, pumunta muna ako sa restroom to pee and medyo mag ayos ayos narin. Nung makalabas ako sa cubicle, nakita ko naman na may babaeng pumasok sa restroom.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon