Chapter 50 (08/29/14)

482K 11.2K 1.8K
                                    

Chapter 50

 

[Jake’s POV]

 

It’s Friday morning. Pareho kaming nakasalampak ni Dionne sa kama ko habang may hawak-hawak siyang isang notebook at ballpen at busy mag lista ng mga pangalan ng mga taong iimbitahan namin sa kasal namin.

            “Gusto kong Maid of Honor ay si Ashley, ‘yung kaibigan ko sa choir! Naku matutuwa talaga ‘yun pag nalaman niya na ikakasal na ako,” tuwang-tuwang sabi ni Dionne.

            “As for me, I want Rui to be my best man, kaya lang hindi kaya mag laslas ‘yun pagkatapos ng kasal natin? Alam mo naman kung gaano ka-patay na patay sa’yo ‘yun!” sabi ko naman. “Ano bang pinakain mo sa Hapon na ‘yun at ganun na lang ka in love sa’yo?”

            Tinignan ako nang nakakaloko ni Dionne at nginitian nang malawak. “Katulad nang ipinakain ko sa’yo!”

            “Sabi ko na ginayuma mo ako!!”

            “Ang gandang gayuma ko naman!” natatawa-tawang sagot naman ni Dionne.

            “Maganda ka nga, hindi ka naman marunong mag luto!”

            “Pero inamin mong maganda ako? Ibig sabihin maganda ako!”

            Napa-iling na lang ako. Kahit kailan talaga hindi ako manalo-nalo sa babaeng ‘to. Ang galing niyang magpa-ikot ng usapan eh!

            “Anyway, kailangan na nating mag hanap ng pwedeng mag cater sa kasal natin. ‘Yung gown mo, si Maisie na raw ang bahala na mag design nun. Don’t worry, uuwi siya a month before ng kasal natin. Tapos pala kailangan na nating mag hanap ng simabahan kung saan tayo pwede mag pakasal. O gusto mo i-try ang garden wedding? Baka kasi masunog ako sa simbahan. Joke lang! Pero tignan mo ‘tong mga nahanap kong simbahan!”

Ipinakita ko sa kanya yung screen ng laptop ko at tinuro yung listahan ng mga simbahan na nahanap ko.

“Ilista mo ‘yan lahat sa notebook mo,” utos ko at nilingon ko siya. Instead na sa screen siya ng laptop nakatingin, sa akin siya titig na titig at naka-ngiti pa.

“Why are you looking at me like that? Are you seducing me? Gusto mo patulan ko ‘yan ha?”

“H-hindi ‘no! Napapaisip lang ako.”

“At ano naman ang iniisip mo ha? Kung bakit sobrang gwapo ko? Kung bakit ang hot ko ha? O baka naman kung pwede mo bang hawakan ang abs ko o pwede mo ba akong halikan? Hindi mo na kailangan mag-isip. You’re my girlfriend now and I am giving you the privilege to do those things. Kahit pag samantalahan mo ang pagka-lalaki ko, hindi ako aangal.”

Bigla naman natawa si Dionne.

“Hindi ‘no, ano ka ba! Inisip ko lang kung kailan nag umpisa na nagustuhan mo ako. Kelan ng aba?”

Sumimangot ako, “I’m disappointed. Akala ko gusto mo nang pagsamantalahan ang pagkalalaki ko.”

“Ikaw talaga!” hinampas niya nang mahina ang braso ko. “Pero dali na, sagutin mo ang tanong ko. Kailan ka nag start na magka-gusto sa’kin?”

“Tss. Demanding future wife.”

Inilapag ko yung laptop na hawak ko sa side table then I put my arm around her shoulders and pulled her closer to me.

“Hindi ko matandaan kung kelan nag start. Siguro nung nagpanggap tayong daddy at mommy ni Maya nung dinala natin siya sa zoo? O yung first time kong natikman ‘yung binake mong cake? Or maybe that moment when you barge into my bathroom at nakita mo akong hubo’t hubad. I don’t know. I really can’t remember. But the thing is,” lumingon ako sa kanya at nginitian ko siya. “I don’t really care kung kailan nag simula. Basta alam ko, hindi ito mag tatapos. Ikaw ang unang babaeng nasabihan ko ng mga cheesy lines na hindi galing sa script at wala sa harap ng camera. Kaya ikaw, wag mo akong iiwan ha? Seriously, ikamamatay ko ‘yun.”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon