Chapter 54 (10/06/14)

382K 10.5K 1.8K
                                    

Chapter 54

 

 

[Dionne’s POV]

 

 

“O, eto na yung mga pinabibili mong mga libro. Ano ba ‘tong mga pinagbabasa mo? Puro fantasy, dystopian at sci-fi! Iba talaga mga trip mo sa buhay,” sabi ni Venus sa’kin habang iiling-iling na nilalapag ang isang paper bag ng mga libro sa kama ko.

            “Thank you!” ngiting-ngiti ko naman na kinuha sa kanya ito at agad na tinaggalan ng balot na plastic yung book 2 ng isang fantasy novel na binabasa ko.

            Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nang umalis ako kina Japoy at ma-confine sa ospital. Nung araw na nalaman ni Venus na may sakit ako, ang sabi niya sa’kin, dahil ayaw kong ipaalam kay Japoy ang kalagayan ko, wala na rin siyang pakialam kung ano man ang mangyari sa’kin. Na ituturing niyang nasa China ako at nagpapakasaya doon.

            Pero tignan mo nga naman, kahit sinabi ni Venus ‘yon, araw-araw siyang bumabalik dito para i-check ako. Well, araw-araw siyang naka-simangot at parang bad vibes na bad vibes sa’kin pero ramdam ko ang concern niya.

            Sabi ko na eh. Fake talaga ‘yung dating Venus na maldita, masama ugali at selfish. Dahil ang Venus na nakikita ko ngayon ay mabuting tao. At nakakapagtaka kasi ayaw niyang ipahalata ang kabutihan niya.

            “Tss. So mag e-enjoy ka na lang sa pag babasa ng ganyan sa tanang buhay mo?” tanong sa’kin ni Venus habang naka-taas ang kilay nito.

            Nilingon ko siya, “kamusta na siya?”

            Huminga ng malalim si Venus tapos may inilabas siyang magazine sa bag niya. Agad kong inabot ito at nakita ko si Japoy na nasa cover.

            Ang ayos-ayos na niya tignan. Ang gwapo-gwapo niya sa cover ng magazine.

            “May new movie siya na ilalabas this coming December. Tapos may bago pa siyang teleserye. At kaliwa’t kanan ang endorsments niya.”

            Napangiti na lang ako.

            At least okay na siya. Malago ang career niya at halatang busyng-busy siya.

            Madali na niya ako makakalimutan.

            “Sige mag bas aka muna diyan. I need to go. May taping pa ako.”

            “Thank you, Venus.”

            “Anong thank you? May bayad ‘yan! Sige na bye!”

            Lumabas na si Venus sa kwarto ko at naiwan ako mag-isa rito. Napa-hinga na lang ako ng malalim at sinubukang mag basa kaso walang pumapasok sa isip ko.

            Kinuha ko ang magazine na dala ni Venus at tinitigan ko ang mukha doon ni Japoy. Nakalagay sa gilid ng magazine na may exclusive interview sa loob. Pero hindi ko binasa. Baka kasi mas mamiss ko lang siya pag binasa ko ‘yun. Pakiramdam ko kasi na para bang maririnig ko bigla ang boses niya habang binabasa ko ang mga sagot niya sa interview.

            Inilapag ko ulit sa side table yung magazine at binuksan ko na lang ang tv.

            “Magandang umaga po sa inyong lahat!”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon