Chapter 56 (10/19/14)

377K 10.8K 1K
                                    

Chapter 56

 

 

[Dionne’s POV]

 

Malamig na tubig. Nakakaramdam ako ng malamig na tubig sa paligid ng katawan ko. Para bang nakalutang ako dito. Nasa pool ba ako? O baka sa dagat? Pero wala akong maramdamang alon.

            May naaninag ako na isang nakakasilaw na liwanag na para bang nang gagaling sa araw. Dumilat ako at nagulat na hindi pala ako nakalutang. Nakatayo ako ngayon sa labas ng isang pamilyar na restaurant.

            Ang restaurant kung saan nag tatrabaho dati ang kuya kong si Dylan bago siya mamatay.

            Pumasok ako sa loob ng restaurant. Ganun pa rin ang itsura nito katulad nung huling beses akong nag punta rito. Pero may dalawang bagay akong ipinagtataka.

            Una. Masyadong maliwanag sa kapaligiran. Wala namang ilaw at natatakpan ng kurtina ang mga bintana pero masyado pa ring maliwanag.

            Pangalawa. Walang katao-tao sa loob ng restaurant. Maging ang mga nag ta-trabaho rito ay wala rin.

            Naisipan kong mag lakad-lakad sa loob ng restaurant hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa kitchen.

            Doon ay may nakita akong isang lalaki. Naka-suot siya ng chef’s uniform at abala sa pag lu-luto. Nang makaramdam siyang meron na siyang ibang kasama, huminto siya at nilingon ako. Nginitian niya ako.

            Ganun pa rin ang ngiti niya tulad nang pagkakakilala ko sa kanya. Masaya. Parang walang dinadala na problema. Ang naiba sa kanya ay ang kulay ng balat niya. Hindi na siya maputla. Puno na ito ng buhay. At ang lusog na niyang tignan.

            “Kanina pa kita inaantay, Dionne,” nakangiting sabi niya sa’kin.

            At dito na ako nag simulang humagulgol ng iyak.

            “K-kuya Dylan!”

            Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ko. Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ayaw ko na siyang pakawalan.

            Ang tagal tagal na panahon ko ‘tong hinintay. Yung makita ko ulit ang kuya ko at mayakap siya. Ito yung mga pagkakataong akala ko hindi na ulit mangyayari.

            Humiwalay ako sa pagkakayakap kay kuya.

            “Patay na ba ‘ko?” tanong ko sa kanya.

            Hindi ako sinagot ni kuya instead, nginitian lang niya ako at sinenyasan na umupo doon sa may bar counter ng kitchen nila.

            Sinunod ko naman siya habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Lumapit siya doon sa kanina niyang niluluto at nag salok nito sa isang mangkok. Maya-maya lang ay lumapit siya sa’kin at inilapag sa harapan ko ‘yung pagkain.

            “Ang favorite ng bunso namin, sinigang na hipon.”

            “Wow!”

            Dali-dali kong tinikman ang luto ni kuya. Hindi pa rin nag babago ang lasa nito. Masarap pa rin katulad ng dati.

            “The best talaga ang sinigang na hipon mo kuya! Walang tatalo.”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon