Epilogue
[Jake’s POV]
5 YEARS LATER
“Palaging merong miracle. Minsan nangyayari ito sa maliliit at mga simpleng bagay kaya hindi natin ito napapansin. Minsan naman, nangyayari ito sa isang bagay na hindi natin inaasahan. And in my case, nangyari sa’kin ang isang miracle na hindi ko inaasahan. At ikaw ‘yun Japoy. You are my miracle.”
Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi ni Dionne sa’kin nung araw ng kasal namin. Habang naka-tingin ako sa maluha-luha niyang mata nung panahon na ‘yun, doon ko na-realize lahat ng ibig niyang sabihin.
That special day is our miracle. A day before our wedding, in-announce sa balita na may paparating na malakas na bagyo kinabukasan. Pero nung mismong araw ng kasal? Wala ni isang patak ng ulan. Hindi makulimlim. Mataas pa nga ang sikat ng araw eh.
At parang mas naging maaliwalas ang kapaligiran when I saw her walking down the aisle while wearing a beautiful wedding gown.
Ilang beses ko nang naranasan ang ganitong eksena sa mga pelikula, pero iba pa rin pala talaga pag totoo nang nangyayari. There’s this unexplainable feeling inside my heart. Parang sasabog sa halu-halong emosyon. Pero nang makarating siya sa dulo ng aisle at hinawakan ko ang kamay niya, iisang emosyon na lang ang naramdaman ko nun.
Masaya. Masayang-masaya ako because I met this lovely angel who changed my whole life.
God has been good to me and Dionne. After kasi ng kasal namin, marami siyang miracles at blessings na ibinigay sa aming dalawa.
At ilan sa mga ‘yon, hindi ko talaga ine-expect na mangyayari.
Bumaba ako sa kotse ko and I saw her running towards me. Her eyes sparkle and she’s wearing a very sweet and happy smile. Na para bang ang saya-saya niya na makita ako.
“Dionne!”
Nang makalapit siya sa’kin, she jumped into my arms and I hug her tightly.
“Daddy! I miss you!”
“I miss you too, little girl. How are you? Naging mabait ka ba nung wala ako?”
“Opo!” masayang-masaya niyang sabi sa’kin.
Binuhat ko siya at isinakay sa passenger’s seat, “pupuntahan natin si mommy ngayon.”
“Yaaay! I miss her!”
“I miss her too, little girl.”
Nung huling buwan sa ibinigay na taning sa buhay ni Dionne ang isa sa pinaka-malungkot at masaya naming buwan dalawa. Pareho kasi naming alam na onting-onti na lang talaga ang natitirang oras na magkakasama kami kaya naman each day, we make the most of it. Na para bang ayun na ang huling araw niya.
But then, God showed us another miracle.
Lumagpas na ang tanging ng buhay ni Dionne pero hindi pa rin niya ako iniiwan. Kasama pa rin namin siya at buhay na buhay. I started seeing light again. Nabuhay ang pag-asa kong baka mas matagal ko pa siyang makasama.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise
Teen FictionOnce upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.