Chapter 57 (10/20/14)

388K 11K 1.4K
                                    

Chapter 57

 

 

[Jake’s POV]

 

Ganito pala ang pakiramdam na natatakot ka para sa buhay nang taong mahal na mahal mo. Ang bigat sa dibdib. Halos hindi ako maka-hinga.

After atakihin si Dionne noong magkasama kami, tatlong araw siyang hindi nagising. Sabi ni Dr. Jin, stable na naman siya pero hindi ko pa rin maalis ang kabang nararamdaman ko. Gusto kong makita na dumilat siya, na ngumiti siya. Gusto kong marinig ulit ang boses niya.

            At nung makita kong unti-unti niyang minumulat ang mata niya. Nung marinig ko ang boses niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na lang ako.

            “I love you.. I love you.. I love you..” paulit-ulit kong bulong sa kanya habang hawak-hawak ko ang kamay niya at tuloy-tuloy ang agos ng mga luha sa mata ko.

            “J-japoy…” naramdaman ko ang mga daliri ni Dionne sa mukha ko. Pinupunasan niya ang mga luha sa pisngi ko. “S-sorry.. S-sorry t-talaga…”

            Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakita kong umiiyak na rin siya.

            “No. You don’t have to say sorry. You didn’t do anything wrong. Kasalanan ko kasi hindi ko manlang naramdaman na ganito na pala ang sitwasyon mo. I’m sorry Dionne. Hindi ako aalis sa tabi mo. You don’t have to save me from pain,” hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “I’ll do my best to lessen your burden. Pareho natin papasanin ‘to, okay? Hindi kita iiwan.”

            “J-Japoy..”

            “Shh. Wag ka na muna mag salita, okay? Tatawagin ko lang si Dr. Jin para ma-check ka niya.”

            Agad kong pinindot yung buzzer sa nurse station at sinabi kong nagkamalay na si Dionne. Maya-maya lang din ay pumasok sa room si Dr. Jin.

            “I know you’re a fighter, young woman,” naka-ngiting sabi niya kay Dionne. “Wag mo muna kaming iiwan agad ha?”

            Habang chine-check ni Dr. Jin si Dionne ay pinalabas niya muna ako. Nag punta na lang ako sa cafeteria para mag hanap ng pagkain na magugustuhan ni Dionne. Habang nag ti-tingin-tingin ako, biglang nag ring ang cellphone ko.

            It’s manager Rhian.

            Alam kong katakot-takot na sermon ang gagawin niya sa’kin. Ang dami ko kasing photoshoot at taping na hindi sinipot nang wala man lang pasabi.

            Agad kong sinagot ang tawag niya.

            “Manager, sorry po!” pangunguna ko na sa sasabihin niya. “Pero hindi po ako makakapunta sa mga shooting o kung saan pa sa loob ng…” napahinga ako malalim. “Sa loob ng tatlong buwan.”

            Parang mas bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ko.

            Tatlong buwan. Ang taning ni Dionne.

            “Ano ba ang sinasabi mo? Tumawag lang ako sa’yo para sabihing naka leave ka sa trabaho for five months.”

            Nagulat ako sa sinabi ni Manager Rhian. N-naka leave ako?

“Pero leave without pay ‘yan ha? Alam ko namang milyones na ang naipon mong pera,” pahabol niya pa.

“B-bakit po?” tanong ko sa kanya.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon