Chapter 24 *first move*

676K 12.1K 1.1K
                                    

Chapter 24

*first move*

[Dionne’s POV]

“ok guys! Pack up na muna tayo. Bukas na ulit yung ibang scenes. Make sure to be here on time tomorrow. For now you may take your time na mag gala or mag pahinga” sabi nung director saamin matapos yung last take nina Japoy, Rui at Venus.

Nakita ko naman si Japoy na papalapit saakin

“alcohol ko nasaan?” pambungad na tanong niya saakin.

Agad agad kong kinuha ang alcohol niya at inabot ko sa kanya to “i-ito..”

Kinuha naman niya ito agad saakin at nag lagay agad siya sa kamay niya. After that naupo siya sa upuan habang pinupunasan yung pawis niya.

Tinitigan ko lang si Japoy. Naalala ko na naman bigla yung kissing scene nila ni Venus. Hindi ko alam kung bakit paulit ulit tong nag re-replay sa utak ko na akala mo eh parang pirated DVD. And the weirdest thing is, naninikip na ewan ang dibdib ko. Para bang nakakaramdam ako ng sakit at galit at the same time.

Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

“pakikuha yung tubig ko” rinig kong utos ni Japoy. Agad agad ko naman sinunod yung utos niya at kumuha nung tubig at inabot ko sa kanya

“e-eto” sabi ko sa kanya while avoiding his gaze

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Japoy at sinilip ang mukha ko.

“huy!”

“b-bakit?” sabi ko sabay tingin sa kabilang direksyon para iiwas ang mukha ko sa mukha niya. Pero lumipat naman siya ulit sa direksyon na tinitignan ko at pilit na sinilip ulit ang mukha ko.

“huy!” sabi niya ulit

“b-bakit nga?” sabi ko sabay iwas na naman ng tingin sa kanya.

“may sira ba ulo mo ngayon at iniiwasan mong tignan ang gwapo kong mukha?” 

“w-wala ah” sabi ko sa kanya while still avoiding his gaze.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon