Chapter 31 *trapped*

633K 10.9K 1.4K
                                    

Mensahe ni Majibu

Sorry na po doon sa mga nagpapa dedicate ng Angel in disguise. Hindi ko na po kayo lahat mabibigyan ng dedication kasi ang dami na naka-line up sa list ko. Baka hindi na kayanin ng mga remaining chapters. Salamat <3


***


Chapter 31

*trapped*

[Maisie’s POV]

“I need you. . . . to help me court Dionne..”

Nag ba-vibrate sa tenga ko ang sinabi saakin ni Rui. Halos mabingi na ako sa kinalulugaran ko. Isang simpleng salita pero para bang isang malaking granada ang sumabog sa tenga ko ng marinig ko ito.

“Maisie-chan. . . .?”

 

“ah hehe b-bakit k-ka naman s-saakin nagp-papatulong e-eh hindi naman kami masyadong close ni Dionne?”

 

“wala naman talaga akong ibang malalapitan kundi ikaw eh. I mean, hindi mo naman kailangan gumawa ng paraan para paglapitin kami, I-I just want to ask f-for advice. Sa mga ganung bagay lang”

I force a smile “ah I see. T-then if you need an advice, I’ll be there for you”

Nakita kong lumawak ang ngiti ni Rui then bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

thank you Maisie! Salamat talaga ng madami! You’ll always be my best-est friend ever!”

Always..

Tama. Ano ba tong iniisip ko? Bakit kahit ilang beses na akong nasaktan lagi na lang akong umaasa na magugustuhan ako ni Rui. Limang taon, limang taon na puro na lang sakit ang naramdaman ko ng dahil sa kanya, but still, sa loob ng limang taon, siya parin talaga ang gusto ko.

Kinagat ko ang labi ko to prevent myself from crying. Alam ko kasi na the moment I cried infront of him, the moment na malaman niyang may gusto parin ako sa kanya, ay yung panahong tuluyan na akong bibigay ng dahil sa sakit.

That night, pinilit kong tumawa at magpakasaya kasama si Rui habang unti unti akong nadudurog sa loob loob ko. Buti na lang nung pauwi na kami, hindi na niya ako pinilit na ihatid dahil pareho kaming may dalang kotse nun.

Pagkasampang pagkasampa ko sa kotse ko, nawala ang ngiti sa labi ko and mas naramdaman ko ang bigat sa pakiramdam ng mga nangyari. Kaso ang nakakapagtaka lang, ayaw ng bumagsak ng mga luhang kanina ko pang pigil na pigil ilabas. Para bang nalipat narin yung mga luhang yun sa bigat ng pakiramdam ko.

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon