Chapter 49 (08-15-14)

455K 11.6K 1.9K
                                    

AN:

Hindi pa po tapos ang Angel in Disguise. Pero malapit-lapit nang matapos ito. Will try my best na mas mapadalas ang update since wala na naman ako iniintinding manuscript ngayon at malapit na rin matapos ang story.

Sa mga readers kong walang sawang nag-aantay ng update nito, salamat po talaga! <3

- Ate Aly

***

Chapter 49

 

[Jake’s POV]

 

            “Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga ako makapaniwala. Ikakasal ka na kuya? Hindi talaga ako makapaniwala,” sabi ng kapatid kong si Maisie na kasalukuyan kong kausap sa Skype ngayon.

            “At ano naman ang hindi kapani-paniwala doon?! Sa gwapo kong ‘to?!”

            “Kung malalanding higad na gold digger ang niyaya mo, hindi na ako magugulat. Pero si Dionne? Papakasalan ka ni Dionne? I can’t believe it!”

            “At bakit ha?! Eh sadyang mahal niya ako eh kaya pumayag siya!”

            “I still can’t believe it!”

            Tinignan ko ng masama ang kapatid ko mula sa screen ng laptop ko.

            “Hindi mo lang matanggap kasi hanggang ngayon, wala kang syota diyan!”

            “Oy hindi ‘no! May nanliligaw kaya sa’kin dito.”

            Tinaasan ko siya ng kilay, “nanliligaw? Uso ba ‘yan diyan?”

            “He’s a Filipino at sobrang bait at gentleman niya,” naka-ngiting sabi sa’kin ni Maisie.

            Napa-iling naman ako, “ngayon pa lang naawa na ako sa lalaking ‘yan.”

            “At bakit naman?!”

            “Kasi magiging rebound lang siya.”

            Napaiwas agad ng tingin sa’kin si Maisie.

“Hindi no…” halos pabulong niyang sabi.

I give her an evil grin, “itsura mo pa lang halatang hindi ka pa nakaka-move on sa Hapon na ‘yun. Kung gusto mong alamin kung kamusta na siya, okay na okay lang siya. May bago siyang drama ngayon. Action-romance. Sexy ang leading lady niya at mukhang nagkakaka-mabutihan na rin sila.”

“Ewan ko sa’yo kuya! Bye na!” iritang sabi niya at tuluyan nang in-end ang video chat namin.

Ang pikon talaga ng isang ‘yun!

            Wala na tuloy akong kausap.

            Plano ko na sanang mag laro na lang sa laptop ko nang biglang may marinig akong bumagsak na mga kasangkapan sa kitchen ko kaya napatayo ako bigla at dali-dali akong tumakbo papunta doon.

            Nadatnan ko naman si Dionne na naka-luhod at nag pupulot ng bumagsak na Teflon pan at chopping board.

            “What happened?!”

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon