Chapter 55
[Jake’s POV]
Posible palang maranasan mo na unti-unti kang namamatay kahit na alam mo sa sarili mong malakas pa ang katawan mo at humihinga ka pa rin ng tama. Posible rin palang maramdaman mong huminto na ang pag tibok ng puso mo kahit na dama mo pa rin ang kabog nito.
It’s been two months eversince she left me. But still, napaka-ikli pa ring panahon ng dalawang buwan para tuluyan kong makalimutan ang lahat nang nangyari sa’min. Masyadong masakit. Nakakabaliw. Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak para makalimot. Ilang beses ko ring pinlanong tapusin ang buhay ko kasi ang sakit-sakit. Hindi ko kasi maintindihan eh. Bakit nagawa niya akong iwanan nang ganun na lang? Mababaw ba talaga ang pag mamahal niya para sa’kin?
Bakit bigla na lang siyang nawala?
Ang sakit-sakit pala talagang maiwan sa ere. At dobleng sakit kasi naiwan na ako, hindi ko pa alam kung ano ang dahilan kung bakit.
Ganoon ba talaga ako ka-walang kwenta para iwanan niya?
Nung mga panahon na ‘yun, liit na liit ako sa sarili ko. Pakiramdam ko wala akong kwentang tao. Ni-hindi ko nagawang pigilan si Dionne na umalis. Wala akong kwenta.
Kaya nag sumikap ako. Ibinangon ko ang sarili ko. Tinanggap ko ang offer sa’kin ni Manager Rhian na bumalik sa showbiz pero this time, pinahalagahan ko na ang trabaho ko. Kung dati niloloko-loko ko lang ito, ngayon nag seryoso na ako.
I strived hard to be on top again. At sa loob nang dalawang buwan, unti-unti nang bumabalik lahat ng mga nawala sa’kin.
And no. I am not doing this for myself. I am doing this for Dionne. Hoping na pag bumalik na siya nang Pinas, makikita niya ako sa ganitong posisyon at maiisipan na niyang bumalik sa’kin.
Oo. Tanga na kung tanga. Iniwan na niya ako pero umaasa pa rin akong babalikan niya ako.
Ganoon ko siya ka-mahal.
Pero alam niyo kung ano ang nakakabaliw? Ang makita ko ulit siya.
Halo-halong emosyon ang naramdaman ko nang makita ko siyang nasa coffee shop na yun at nakikipag-usap sa isang lalaki.
Saya, selos, inis… at confusion.
Buong akala ko nasa China na siya. Ayun ang sabi sa’kin ni Tito Jin at ni Venus. Pero bakit eto siya ngayon, nasa harapan ko? Sino yung lalaking kausap niya at bakit ang ganda-ganda ng ngiti niya?
Bakit siya nag sinungaling sa’kin?
I confronted her. Nangibabaw ang inis at sakit na nararamdaman ko. Mas dumoble pa nang puro sorry na lang ang narinig ko sa kanya.
That’s why I dragged her outside. Naisipan ko nang dalhin siya sa unit ko at hinding hindi ko siya palalabasin doon hangga’t hindi niya ipinapaliwanag sa’kin ang lahat.
Nag uumapaw sa inis ang puso ko. Parang sasabog sa sobrang sakit. Hindi ko na naririnig ang mga nangyayari sa paligid ko at tanging ang galit na lang ang nangibabaw sa’kin.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise
Teen FictionOnce upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.