Chapter 52
[Dionne’s POV]
I’m sorry Japoy. I’m really really really sorry Japoy.
Paulit-ulit na sabi ko sa isipan ko habang walang humpay ang pag-iyak ko.
Nakasakay na ako sa taxi. Nakita ko si Japoy na humahabol sa’kin, tinatawag ang pangalan ko at nag mamakaawa na wag ko siyang iiwan. Gusto kong bumalik at bawiin ang mga sinabi ko sa kanya. Gusto kong sabihin na handa akong lumaban para sa kanya.
Pero paano ako lalaban sa isang digmaang matagal ko nang isinuko? Paano pa ako mananalo kung dati pa lang alam kong talo na ako?
Binalaan na nila ako eh. Alam ko naman sa sarili ko na mauuwi sa ganito ‘to pero itinuloy ko pa rin. Pinairal ko pa rin ang puso ko kesa ang utak ko.
Nakakainis na puso ito. Alam naman niyang masyado siyang mahina para lumaban pero sukat na nag-mahal pa rin.
Napahawak ako sa dibdib kung saan located ang puso ko. Pilit kong pinapakiramdaman ang bawat pag tibok nito kahit halos wala na akong maramdaman.
May sakit ako. Isang sakit kung saan habang tumatagal ay unti-unti itong kumakalat sa puso ko at pinapatay at pinapahinto nito ang pag tibok ng puso ko.
Sabi ni Dr. Jin, 1 out of 1000 lang daw ang nagkakaroon ng ganitong karamdaman. Nagkataon nga lang na si mama ang one sa 1000 na ‘yun. At nagkataon ding namamana ang sakit na ‘to.
Ang sakit na kumitil sa mama ko at sa kuya ko.
Ang sakit na siyang kukuha rin sa buhay ko.
Sabi ni Dr. Jin, mabagal daw ang pagkalat nito sa puso ko. Sabi niya, eight years pa ang nalalabi sa’kin at pwede pa itong maduktungan.
Nung una ayoko nang maduktungan pa ang walong taon. Masyadong mahaba na ‘yun para sa’kin. Gusto ko na agad umalis at sundan ang pamilya ko tutal wala naman akong dahilan para mabuhay eh.
Pero noon ‘yun.
Dahil ngayon, nang dahil kay Japoy, gusto kong maduktungan ang walong taon na tanging ng buhay ko. Masyadong maikli yun. Gusto kong makasama ng mas matagal si Japoy. Gusto kong tumanda na kasama siya. Gusto kong matupad yung plano niya para sa aming dalawa.
For the first time, ginusto kong lumaban. Ginusto kong patayin ang sakit na ‘to.
Sabi ni Ninong Jin mahihirapan daw ako. Malala raw ang mga side effects. Pero okay lang sa’kin. Titiisin ko ang hirap na yun gumaling lang ako.
Titiisin ko lahat para makasama ko si Japoy.
Nung araw na nag propose si Japoy sa’kin at sinabi kong nandoon ako kina Ninong Jin at nag-aaral mag luto, nasa ospital talaga ako nun at nag papa-lab test. Tinitignan nila kung kakayanin ko ang magiging procedure ng pag gagamot sa’kin.
Nung panahon na ‘yun, ilang beses ko ring binalak na sabihin kay Japoy ang tungkol sa lagay ko pero hindi ko makuhang i-brought up ito. Nakikita ko masyado siyang masaya. Hindi ko kayang pasanin niya ang pinapasan kong problema.
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise
Teen FictionOnce upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.