Aeris Madyzon Carysv
Tahimik kong tinatahak ang daan pauwi habang iniisip ko 'yong nangyari kanina.
You're so stupid, Madyzon! Why did I kiss her? And worst I told her that I like her.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nagkita ulit kami.
I was hurt pagkatapos niya akong iwan sa park, but I chose to understand her.
Maybe hindi niya ako gusto?
Because she still haven't moved on from her.
Here I am walking on my own dahil iniwan ako ni Alexys. She looks terrified after I told her what I am feeling towards her.
I'm so dumb sabi ko hindi ko papansinin itong nararamdaman ko sa kaniya, but look at me now, I kissed her and confess.
Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang ilang patak ng tubig mula sa kalangitan. Oh my goodness.
Please not now, maawa naman kayo sa akin.
Dali-dali akong nagtatakbo papunta sa may masisilungan dahil sa lakas ng ulan.
Fudge, it's too late! Nabasa na ako.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko.Kasabay nang pagbagsak ng ulan ay siya ring pagbagsak ng mga luha ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko, bakit sa lahat ng tao si Alexys pa?
Alam kong ako lang din naman ang masasaktan sa huli if I'm going to risk it all.
Siguro nadala rin lang siya kaya tumugon siya when I was kissing her.
Nadala ka lang ba, Alexys?
O ginusto mo rin 'yon.
Ang daming katanungan ang nabubuo sa utak ko, but wala siya rito para sagutin lahat ng iyon.
Nakaupo lang ako rito habang iniisip siya.
Siguro kailangan ko na muna siyang layuan para habang maaga pa hindi na lumalim pa ang pagkagusto ko sa kaniya.
I think it is the only way.
Dahil sa tagal tumila ng ulan ay nagdesisyon na lang ako na tumakbo dahil malapit naman na ang subdivision namin.
Hihingi na lang ako kay kuya guard ng payong.
Nagising ako na mayroong masamang pakiramdam.
I feel like I can't stand up.
Ang init ng pakiramdam ko, and my head is hurting.
Fudge ito talaga ang epekto ng pagiging sadgirl ko under the rain.
Binalot ko ang katawan ko sa kumot dahil I think hindi ako makakapasok ngayon kaya matutulog na lang ako.
After a minute biglang nag-ring ang cellphone ko. Chelsie is calling.
"Yes?" Medyo paos na tanong ko.
"Gurl, are you okay??" Hindi ko siya sinagot dahil tinamad na akong magsalita, bahala siya diyan.
"Hey?! Late ka na, baka nakakalimutan mo first day of school na!" Naririndi ako sa kakasigaw niya sa totoo lang.
"I'm not feeling well. Make me na lang an excuse letter."
"Damn you, uutusan mo pa ako." She's wasted no'ng nakita ko siya and now she's back sa pagmamaldita. May pinagmanahan talaga.
Pinatay ko na ang tawag at pinikit ko na ang mga mata ko. Itutulog ko na lang ito mag-i-introduce yourself lang naman ngayon kaya I think okay lang na 'wag pumasok.