ANGELA'S POV
Hindi ko na pinansin si Jaiden, saka ako lumabas ng girl restroom mabuti nalang at walang nakapansin sa 'kin.
Pumunta ako kung nasaan si James, malaki ang ngiti ng loko.
"I saw Kuya Jaiden enter the girl's restroom" nakangising sabi niya namula naman ako at inalis ang tingin sa kanya.
"Baka may kapatid na agad si Angela, sabihan mo lang ako at ako ulit ninong ha!" nakangising sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Tigilan mo ko James!" Singhal ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Puwede ko bang makasayaw ang unang babaeng minahal ko?" Nakangiting tanong niya at inilahad ang kamay ngumiti lang ako saka tinanggap ang kamay niya.
Nilagay ko ang kamay ko sa balikat niya ang kamay niya naman ay nasa bewang ko.
"James, sino ba talaga si Jaiden?" Tanong ko sa kanya halatang nagulat siya sa tanong ko.
"Tao, puwede ring hayop" sabi niya.
Bakit ba nagiging ganito si James, hindi naman siya ganyan dati naging 2.0 version na siya ni Kuya Anthony.
"Umayos ka nga" masungit na sabi ko sa kanya.
"Si Kuya ahm, may kapatid siya half sister sa father niya, ako kasi kapatid niya kay Mommy" sabi niya nagulat naman ako sa narinig ko.
"Parang ang gulo naman!" Sabi ko tumawa naman siya.
"Si Mommy kasi saka yung Daddy niya ay hindi naman talaga mahal ang isa't isa, they arrange marriage" sabi ni James kaya napatango ako.
"But you know, I admire Kuya because at a young age, I think he was only 13 years old, he was already managing a company." sabi niya tipid naman akong ngumiti ayoko man aminin pero humahanga din ako kay Jaiden.
"Tapos si Kuya nung pinanganak ako ni Mommy hindi na siya naalagaan tapos yung Daddy ni Kuya ay may pamilyang iba, ang hirap noon kay Kuya Jaiden" sabi niya bigla naman nangilid ang luha ko kasi natandaan ko ang sinabi sakin ni Jaiden noon.
"My parents have their own families now, and I'm on my own. It's okay, at least I have myself and I have you. But I fear I might lose my mind if you were to disappear." Napaluha ako ng matandaan ko iyan, naalala kong sinabi sakin ni Jaiden yan noon.
Tumigil na ang tugtog kaya huminto na kami ni James sa pagsasayaw pinunasan ko ang luha ko.
"Wag kang umiyak, nakatingin sayo si Kuya" sabi niya.
"Sabihin mo nga ano ba talagang meron kay Jaiden at Catherine" mahinang sabi ko napahinto naman si James at inalis ang tingin sakin.
"Kaibigan I guess?" Nakangiting sabi ni James hindi naman kasi nakikipag biruan.
"Gusto kong malaman, gusto kong malaman lahat James, alam kong may alam ka." Sabi ko tipid lang siyang ngumiti sakin.
"Hindi ako puwedeng mag kuwento sayo dito sa kotse nalang" sabi niya at nakatingin sa kanang bahagi ko.
Nagulat ako ng biglang may nagpaputok ng baril at tumama ito sa kanang braso ko.
"Ahhh" daing ko.
"ANGELA" sigaw nila Kuya
Hinatak ako ni James para maka alis na kami dito.

YOU ARE READING
HIDING HIS DAUGHTER
RomanceThe story revolves around Angela, who pleads with Jaiden not to leave her for Catherine, her friend. Amidst the emotional turmoil, Angela discovers she is pregnant, and Jaiden decides to abandon her and their child. Angela breaks down in tears and a...