De vera

95 6 0
                                    

"Hoy ano? Napag iiwanan ka na ng sibilisasyon, bakit kasi ayaw mo paring mag boyfriend? Kita mo kami nitong syota ko, stay strong?!" Biro sa akin ng kaibigan ko kahit alam ko sa sarili ko na kalahati non totoo.

"May shota ka na't lahat nagrereklamo ka pa. Yung totoo bes, may problema ka?" Ewan ko ba kasi dito sa kaibigan kong to. May nilalanse na problemado pa sa problema ng iba.

"Ano ka ba bes. Tatlong taon na di ka pa rin nakakapag move on? Pano ka uunlad nyan?" Hindi ko nalang pinansin. Para saan pa't pinanganak talaga siyang nakanganga. Kaya hindi maitikom ang bibig. Napailing na lang ako sa kadaldalan niya. Napapa isip narin ako kung bakit ko nga ikinwento sa kanya ang mga bagay na iyon. Kung alam ko lang.

Flashback
Napatingin ako sa iilang estudyanteng nagtutumpok tumpok. Mga tsismoso't tsismosa talaga ay hindi mawawala sa isang paaralan at napatunayan ko iyon sa pamamalagi ko sa iskwelahang ito. Umatras ako ng kaunti dahil may nakaharang na bag sa paningin ko. Makiki usyoso rin ako.

Napatingin ako sa kanya. Sunod ay sa taong nasa unahan nito. May nakaluhod na namang estudyante sa harap niya. Akmang aalis na ako ng mapansin kong nakatingin siya sa may parte ko. Pumikit ako ng ilang ulit para makasigurado pero nasa unahan ng muli ang paningin niya. Namamalik mata na naman ako. Napahawak ako sa dibdib ko- sa may parteng puso. Walang kasing bilis ang pagtibok nito.

Magli limang buwan na ako sa paaralang ito. At sa loob ng limang buwan na iyon. Puro pag iwas lang ang kaya kong gawin.

End of Flashback

He's my first crush. Tama. Kahit hindi ko ginusto nagawa kong patagalin ang pagtingin kong iyon. Hanggang umabot sa punto na- hahanap hanapin ko na ang lahat sa kanya. Hahanapin ko na siya bilang siya. And now, he's my first love.
---

Naiangat ko ang tingin ko ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.Inilibot ko ang paningin ko pero wala naman. Hindi narin ako inaantok kaya hihintayin ko na lang magsimula ang sunod na klase.

"Good morning, class." Nakakatakot talaga siya.
"Good morning, Miss Steinfeld." Napangiwi ako dahil sa parang daycare lang kung bumati ang kaklase ko. Hindi narin naman iyon pinansin ni Miss.
"Good morning, ma'am." Napatingin ako sa taong nagbukas ng pintuan. Kaklase ko nga pala siya sa subject na'to.
"Take your seat, Mr. Hera." Napangiwi ako dahil sa tawag sa kanya. Napangiwi rin naman siya.
"De vera, Miss." Pagtatama nito.
"Oh. Yes, Mr. De vera, take your seat." Pag uulit nito.

Naupo na siya sa tabi ko. Sa lahat ng naging seatmates ko, siya lang itong hindi ko kinakausap o pinapansin. Magpapansinan lang kami kung may pair na kailangan ay magkatabi. Awkward kasi. Siguro dahil may gusto ako sa kanya. Kung tutuusin nga napaka swerte ko dahil katabi ko siya sa isa sa mga subjects ko. Sana man lang magkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya. E kung magpapansin kaya ako? Napailing at napangiwi ako sa ideya. Ayokong magmukhang trying hard. Isa pa. Ang tulad niya ay iyong mga taong dapat iniiwasan. Iwas gulo. At katahimikan.

"Okay ka lang?" Dahil sa pgkagusto ko sa kanya umabot na puntong ganito. Kinakausap niya ba ako? Hibang ka na, Colleen. Bakit ka naman niya kakausapin?

"Colleen?" Pagtawag nito sa pangalan ko.

"Aaaaaah!" Nababaliw na nga ako. Kahit pangalan ko ay alam niya. Bahagyang nanlaki ang mata nito. Tatakpan niya sana ang bibig ko pero naunahan siya ng sigaw ni Ms Steinfeld.

"Mr. Hera and Miss Garcia. Out of the room now." Kalmado ngunit maotoridad nitong sabi. Bakit ganiyan siya?! Mas creepy siya kapag hindi sumisigaw!

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon