Hipokrita 1

25 5 0
                                    

Bitter. One word that can describe sa mga ayaw na ayaw sa magsyota. Mga naniniwala sa katagang "walang poreber".

Mga dahilan ng pagiging bitter? Pagiging brokenhearted. Pagiging mapantrip. Walang boypren, single. o simple- naiinggit.

Naiinis ako sa mga bitter. Bakit hindi nila i consider ang kasiyahang dulot ng ginagawa ng ibang taong nakapalibot sa kanila? Bakit hindi na lang nila isipin ang kagandahan ng sitwasyon ng ibang tao? Bakit hindi nila bigyan ng importansya ang kasiyahan ng iba? Bakit kailangang maging kontrabida?

Yung walang pakundangang pagsigaw ng "WALANG FOREVER!!". Yung sa pagdaan ng magsyotang holding hands ay bigla kang sisingit at sasabihing "Mag be break din yan." Hindi ba nila naisip ang mararamdaman ng isang taong nasa sitwasyong iyon?

Pano kung ikaw na ang dumating sa puntong magka boyfriend. Tapos, bigla biglang may sisingit at bubulong sayo ng WALANG FOREVER o di kaya ay MAGBE BREAK DIN YAN? Anong mararamdaman mo? Syempre mararamdaman mo ang nararamdaman noon ng pinag gagawan mo ng kabitteran. Sinong hindi makakaramdam ng inis kung kasisimula mo palang pumasok sa isang relasyon ay ngali ngali na nilang wakasan.

Dito na natatapos ang aking saloobin para sa mga bitter. Nasa tapat na ako ng aming subdivision.

"Para po!" Sigaw ko sa driver.

Sa paghinto nito ay ang pagsakay ng babae't lalakeng magkahawak kamay. Tinapik ko ang babae. Kasabay ng pagtuntong ko sa lupa ay ang pagsigaw ko ng katagang

"WALANG FOREVER."

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon