jeep

11 5 0
                                    

SA isang oras kong paghihintay sa jeep ay may dumaan rin sa wakas.

Gusto ko na ngang sumigaw ng Sa wakas! Praise the Lord! Pero hindi na lang dahil may kahihiyan pa naman akong ini ingatan. Umupo na ako at tsaka nakaramdam ng pagod. Inabot na naman ako ng alas diyes ng gabi. Tapos siksikan pa. Pero susulitin ko na lang ang jeep na to dahil may gwapo naman akong katabi. haha. Gwapong jeepmate ba.

Binuksan ko ang salamin ko para makita ang reflection nya. Shet! Gwapo nga! Umayos ako ng upo para sana matulog, malay mo, sa pagtulog ko mapasandal ako sa balikat nya diba? edi wow lang ang peg.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng jeep para hindi halatang planado ang lahat, hahaha.

~~~

Ang lambot ng balikat nya, at ang bango bango nya. Yung buhok nya tumatama pa sa mukha ko ta's ang lambot lambot at mabango rin. Mas isiniksik ko pa ang ulo ko sa leeg nya. Naramdaman ko naman ang pag ayos nya sa buhok at ulo ko. Shet lang siguradong sobrang pula ko na ngayon. Yumakap sya sa akin, siguro ay dahil naramdaman nyang nilalamig ako sa malakas na hampas ng hangin mula sa labas. Niyakap ko rin ang braso nya at hinalik halikan pa ito.

~~~

Napamulat ako ng mata dahil sa pagtalbog ko. 

"Miss, saan ka ba bababa?" tanong ni manong tsuper sa akin.

"SA banaba lang kuya." sagot ko rito.

"Nako ineng lampas na."

Lintek, napatingin ako sa kaliwat kanan ko. 

Tang'na lang. Panaginip lang!?

One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon