Inulit ulit kong basahin and description ng libro.
Kapuri puri ang ipinamalas ng may akda ng storya. Pero laking pagkabigo ang nakuha ko dahil hindi pala doon nagtatapos ang kwento. Sinusubukan daw niyang makapag update pero nasira raw ang kanilang connection.
Nagtagumpay akong basahin ang isang libro sa isang araw lang. At ngayon ay natitiyak kong ang mga tanong na umiikot sa utak ko ay masasagot ko lamang kapag nasundan na ng yugto ang istoryang ito.
Siguradong samu't saring kaalaman na naman ang madadagdag sa isip ko. Ito ang epekto ng pagka cutting ko ng buong araw. Maaapektuhan ang marka ko dahil wala ako sa klase o kaya naman ay nape perfect ko ang lahat ng test kung meron man. Ang oras na dapat ay ipinapasok ko ay inilalagi ko sa pagpunta sa library para magsulat o magbasa ng libro o tintawag kong advanced study.
Laking tulog na rin sa aking pag aaral kahit na halos araw araw ay para akong dinadaga sa kaba at nananalanging hari ngay hindi ito umabot sa mga magulang ko o di kayay hindi mapansin ng aking guro ang pagkawala ko o ang pagka bakante ng upuan ko.
Pinahid ko ang nagbabadyang pagtulo ng pawis ko dahil sa kaba na naman. Naririto ako sa harap ng building ng first class ko para sa araw na ito pero late na naman ako. Siguradong cuting na naman ako neto. Hindi kasi pumayag ang maestra kong umattend pa ng klase ang estudyante na lalo na kung thirty minutes lang na ito. Kasalanan ko bang sumakit ang ulo ko at hindi ako papasukin ng magulang ko dahil na rin sa bilin ng doktor ko?
Umalis na lang ako at nagdiretso ng muli sa library. Hindi ko nga alam kung pang ilang beses ko na bang nagawa ito pero hindi ko na lang rin pinapansin dahil malaki naman ang tulong nito sa pag aaral ko.
Buong araw na naman ako sa library neto.