Dream Catcher

12 5 0
                                    


Dream catcher.

Humuhuli ng masasamang panaginip. Eh bakit dream catcher ang tawag kung nightmare ang hinuhuli? Baka naman dream talaga?

Ang pagkakaintindi ko dapat ay nightmare catcher iyon.

Nilampasan ko na lang ang tianggeng iyon.Masyadong akakadisappoint ang mga paninda nila. Eh wala namang katotohanan. If I know bangungot lang ang dala niyang dream catcher na iyan. Mabenta lang dahil sa design.

Umalis na ako dahil nasisirang ang araw ko sa mga padali nila. Tasaka ayokong bumili baka bangungotin lang ako.

"San ka galing?" salubong sa akin ng bunsong kapatid ko pagkarating na pagkarating ko sa bahay namin.

"Dyan sa tiangge. Kung itatanong mo naman kung nasan at anong binili ko doon. Wala. Dahil nabwisit ako sa mga paninda nilang dream catcher na yoon." Sagot ko rito bago siya lampasan Narinig ko pa ang paghalikhik nito pagpasok na pagpasok kosa kwarto ko.

Naririnig ko ang kalampagan mula sa kusina Anong nangyayari?! May nanloob ba sa bahay namin?!

bumangon ako sa pagkakahigaat marahang binuksan ang pinto ko. Sa pagsilip ko rito ay ang pagpasok ng anino sa kwarto ng kapatid ko.

tang'na!

"Sino yan?" Matapang na sigaw ko rito kahit na sa loob loob ko ay gusto ko ng tumalon,tumakbo, at sumigaw sa takot. Ang pagsigaw kong ito ang naging dahilan para sa pwesto ko ito magtungo. Agad kong sinarado ang pinto at nagtalukbong ng kumot. Ramdam ko ang presensya niyang nasa loob ng kama ko. Malamig at nakakatakot na siayng nagpapataas g mga balahibo ko sa batok. Hinila niya ang kumot ko at isang may kahabaan, kulubot, maitim at nakakatakot niyang muha.

"AAHHHHHhH!!!" Napabalikwas ako dahil sa masamang panaginip na iyon kasabay ang paghahaol ng hininga ko. Kailan may hindi pa ako naka encounter ng ganoong bangungot. Naalala ko ang kapatid ko. 

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. 

Sinasabi ko na nga ba?!

"Sinong naglagay ng dream cathcher sa kamako?!"

Sa pagtayo kong iyon ay ang rinig kong patakbong yabag ng kapatid ko sabay an nangingibabaw na  halakhak nito.

Kinuha ko ang dream catcher na iyon at itinapon sa bintana ng kwarto ko.

Hindi ako nagkamali sa dream catcher na iyon.

Dream catcher. Tss


One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon