Sana ako na lang.
Edi sana hindi ka na nahihirapang maghanap diba?
In- open in new page kong muli ang facebook mo, alam ko namang nag o-online ka lang para humanap ng magagandang babae dyan para i chat.
Alam ko naman na hindi ako maganda pero pilit parin akong umaasa na baka kahit mapadaan lang ang tingin at gawi mo sa mukha ko, pero hanggang asa na lang ako.
Yung minsang napatingin ka pa sa akin ay nung nadapa ako dahil sa nakaharang bag mo. Nakakainis nga dahil tinanong mo pa ako kung may palakang ba akong nadamba.
Nakita kitang may hawak hawak na cellphone. Wala ka sigurong magawa ng mga panahon na yun. Kinukulit mo pa nga sa Sha sha para huminge ng number na ka text dahil famous ito at maraming kakilala.
Nag t- type ka lang sa cellphone mo na waring may katext. Meron nga ba? Para kasing sobrang lukot ng mukha mo nun.
Nilapitan kita at iniaro sa iyo ang maliit na papel na may nakasulat na labing isang numero, cellphone number. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o matatawa dahil para kang timang na nakatingin sa papel at clueless na clueless.
Tsaka ko sinabi noon rin na, "Naghahanap ka ng katext diba? Ito itext mo, araw araw maload." Noon din naman ay tinanong mo ako, "Maganda ba yan?"
Napaisip ako bigla, sabay napatingin sa repleksyon ko sa bintana nating bubog. Napatanong sa isip ng, 'Maganda ba ako?'
"OO? Siguro, ewan, baka, basta itext mo na. Arte neto sya ng binibigyan ng textmate ayaw pa?"
Tinanggap mo rin naman ito bago ko pa bawiin at nagsimulang magtype sa cellphone mo.
Kinabukasan, nginitian mo ako. Nagtaka pa nga ako dahil hindi ka naman ganoon na tao.
"Salamat dun sa binigay mong number ha? Utang ko sayo love life ko." Bigla mong ibinulong sa akin pagkadaan ko sa upuan mo. Nagtaka ako. Pa'no nangyaring ganoon?
"Katext mo sya?" Nginitian mo pa ako ng abot tenga na siguradong oo ang ibig sabihin.
"Pa'no? Ba't 'di ko alam? Dapat alam ko kasi--" Noon ri'y nabigla ako sa dapat kong isasagot sa'yo.
Hindi mo nga pala alam na akin ang mga numerong iyon. Hindi mo nga pala alam na ako yung nagpaka desperada para kahit papaano ay makausap kita.
"Patingin nga ng cellphone mo?" naidugsong ko na lang sa dapat na sasabihin ko. Iniabot o sa akin ang cellphone mo ng may ngiti.
Nakita ko ang conversation ninyo.
Hi. :)
Hello. Who's This?
Ako yung nakatira sa puso mo. Raven nga pala.
Talaga? haha. Joy po name ko.
Maganda ka ba?
Ang straigght to the point nyo naman kuya. HAha. Tingnan nyo na lang sa facebook. JAnelle joy Faraon.
At kung ano ano pa. Napatingin ako sa number ng katext mo. Noon bumigay ako.
Leche. Leche lang talaga. Wrong n