Meron ng Iba

17 4 0
                                    


No'ng araw na iyon sinabi ko sa sarili ko na hanggang doon na lang. Tama na. Tapos na. Ititigil ko na. Nakakapagod kasing isipin na baka hindi ako nag-iisa sa buhay mo. Para kasi itong sirang plaka sa isip ko. Paulit ulit. Nakakapagod. Nakakasawa. 

Pero akala ko hanggang doon na nga lang talaga. Akala ko lang naman pala. 

Nakilala ko siya. Naisip ko imposible na. Malabo na.

Kasi mahal pa kita. Siguro.

Isang araw nakita kita. Of course tulad ng inaasahan ko. Mabilis lang sa'yo ang laht. Madali lang para sa'yo. 

Pero no'ng malapit na ako sa iyo hindi ko na maramdaman ang dating nararamdaman ko. Wala na ang mabilis na pagtibok ng puso. Mga paro paro sa tiyan. Biglaang pagbigay ng tuhod. Pagkakaba at halo halong emosyon. Higit sa lahat, wala na ang sakit.

Nagpapasalamat ako at nakilala kita. Nakilala ko siya. Kasi, ngayon, sa ibang tao na umiikot ang mundo ko at hindi na sa'yo.

~~~~~~~~~~~

Late merry Christmas and happy new year to all. Love lots. Hart hart.


One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon