"Love." Napalingon ako sa tumawag sa akin.
Love de Jesus. Ang dating Love Canuel. Mahaba haba na rin pala ang tinakbo ng panahon.
"Bakit de Jesus?" Napangiti ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin.Parang hindi niya ako ina. Pero di bale, ginusto ko naman iyon. Narinig ko ang pagbungisngis niya. Ang cute talaga ng anak ko.
"Nikausap mo na tatay?" Tanong nito habang nakahawak sa laylayan ng damit ko."Opo. Sabi niya I love you de Jesus." SAgot ko rito habang nakatingin sa kanya.
"Is it me? Or you?" Napangiti ako sa tanong nito.
"Hulaan mo." Napa iling na lang ako ng ngumuso ito. Manang mana siya sa kanyang ama.
"Its us." He said."Happy birthday None." Right. None de Jesus. Ang kaisa isang kayamanan ko magmula ng iwan kami ng kanyang ama. Napangiti ako ng mapakla. Pitong taon narin pala ng iwan kami nito. Napatingin sa unahan niya. Nakatitig din siya duon.
"He will never wake up again right?"
"I Love you anak. 7 ka na. Tara na?" Hinawakan ko ang kamay nitong saktong sakto sa kamay ko. Bago muling lumingon sa likod.
"Happy 7th wedding anniversary, Mahal. Ingat ka sa langit. I Love you." Bulong ko sa hangin. At alam ko sa pagpahid ng hangin sa ilaw ng kandila sa kanyang lapida. Ay ang pagdampi ng yakap at halik nito sa aming mag ina.
Salamat sa pitong taon, Mahal.