Bilang na bilang ko ang bawat pag tiktak ng orasan sa isip ko. Mag iisang oras na akong nakatunganga sa wala. Oo nga ano? Bakit nga ba ako nakatunganga at walang ginagawa? Pwede naman akong makipag bato bato pik sa salamin. Pwede naman akong kumain ng sili. Ay! Antanga lang. Bakit ko naman gagawin yun? Ano ako tanga? Baliw?
Kunsabagay baliw naman talaga ako.
Pisti! Ano ba? Mababaliw na ata ako sa mga naiisip ko.
Parang may sarilingg pag iisip ang kamay ko, kinuha nito ang notebook sa harap ng desk na inuupuan ko.
Nag tatlong isip ako kung itutuloy ko bang buksan ang isang plain blue na spring leaf na ito.
Lumingon lingon ako sa apat na sulok ng classroom pero puro bakanteng upuan lang naman at mangilan ngilang bag ng ilang kaklase ko ang laman nito. Siguro naman ay hindi malalaman ng may ari ng notebook na pinakelaman ko ang laman nito.
Binuklat ko ito at halos mautas ako sa nakasulat sa unang pahina.
Dont flip! It will Explode! BOOM!!
Sino kayng matinong tao ang magsusulat ng ganoon? napaka isip bata naman nito. Para sa isang tulad naming third year high school student ay niminsang di ko na imagine na may kaklase pa akong may diary.
Inilipat kong muli ang pahina ng notebook.
Kung kanina ay halos mautas ako sa kakatawa ay napanganga naman ako ngayon sa nakalagay.
Mukha ko na nakangiti ang nakaguhit doon. Ang perpekto ng pagkakaguhit nito. Mula sa hulma ng mukha at kahit sa labi, ilong at mata kong kuhang kuha. At sa baba noon ay may caption na--
"LOVE OF MY LIFE"
Hindi ko maiwasang kiligin sa nabasa ko. Hindi ko akalain na may secret admirer pala ako sa mga kaklase ko.
Pinilit kong inisip kung sino kaya ang posibleng magkaroon ng lihim na pagtingin sa akin at siyang nag mamay ari ng notebook na ito.
Si Erick kaya? O baka naman si Ray? Hindi. Baka si Robert? O kaya naman ay si Josh?
Impit na tili ang pinakawalan ko with matching pa padyak padyak pa ng paa.
Kahit sino sa kanila ay solve na ako. Hindi na ako magiinarte pa, sa gwapo at kisig pa lang nila ay pwedeng pwede na.
Bago pa ako himatayin sa kilig ay inilipat ko na sa susunod na page ang notebook.
Kung kanina ay halos malaglag ang panty ko sa kilig ngayon ay sabog na ang ovary ko.
Hindi ko na napigilan ang tili ko at ako ay napsigaw na ng tuluyan.
"Roses are red, Violets are blue, You are my life, Cristina I love you."
Tumalon talon pa ako habang binabasa iyon. Atleast ngayon ay may ebidensya na ako na ako talaga ang iniibig ng kung sino mang may-ari ng notebook at lover boy na ito.
"Cristina?! Ako iyon!" Paulit ulit ko na lamang na nasasambit habang tumitili.
"Pangalan ko iyon!"
Oh Lord! Ito na ba ang biyaya niyo sa akin matapos ang napakahaba at napakaraming taon kong pag nganga tuwing valentines day? Titiwalag na ako sa samahan ng malalamig ang pasko.
Bye! Bye! Meron ng maghahatid sa akin tuwing uwian. May kasabay tuwing lunch at higit sa lahat ay may tatawagin na akong BABY!
Kinalma ko ang sarili ko. Hindi dapat ako magpadalos dalos, hindi ko dapat sabihing alam ko na may gusto sya sa akin. Dapat pakipot muna ako. Dalagang Pilipina kung baga.
"Pero teka. Sino nga ba talaga ang may gusto sa akin?"
Hihimatayin ata ako sa nabasa ko.