Unang araw para sa gaganaping camporee. Ang totoo niyan ay wala naman talaga sa plano ko ang sumama at makilahok. Pinilit lang ako dahil plus points rin pag sumama ka.
Ibinaba ko nang dalawang maletang dala ko. Limang araw. Limang araw bago ko muling mararanasan ang salitang bahay.
"Je, buti pinayagan kang sumama." Natatawang saad ni Ann. Na ikinakunot ng noo ko.
"Bakit naman hindi?" Tanong ko rito.
"Eh kulang nalang dalahin mo pati bahay mo eh!" Saad nito saka bumulanghit ng tawa. Palibhasa kasi siya puro kulang sa tela ang dala kaya napagkasya sa isang maleta.
I just mentally rolled my eyes.Ann, simpleng pangalan pero ubod ng kaartehan at kalandian sa katawan. Siya yung klase ng taong kailanmay hindi mo pagsasawaang murahin at sabihan ng masasamang salita. Sorry Lord. Wala siyang ibang alam kundi ang manlait at maghanap ng pagkakamali ng isang tao. Matabil ang dila. Walang manners. Walang respeto at walang sinasanto. Masasabi kong lahat ay nasa kanya na- lahat ng masasamang salitang pwede mong ihusga gamit ang tingin o kahit na anong basehan.
Sinimulan ko ng tahakin ang daan papunta sa room na ini assign sa akin. Hanggat maaari ay umiiwas ako sa malas.
Agad kong binuksan ang aircon para naman masulit ko ang binayad ko, sabay higa sa kamang sinlambot na ulap.
Limang araw akong mag titiis sa walang kwentang pinagsasasabi ni Ann.
Nagising na lang ako sa pito ng kung sino man. Masasabi kong mahaba haba rin ang naitulog ko at nagpapasalamat ako ro'n. Sigurado akong Magiging tulad ito ng palabas ni Kuya Germs- Walang tulugan. (Sumalangit nawa sa Diyos.)
Inayos ko ang sarili ko para naman walang mailait sa akin iyang Ann na iyan bago ako lumabas.
Form five squads. Iyon ang narinig kong sigaw pagkalabas na pagkalabas ko sa kwarto ko.
Agad agad akong tumakbo dahil ayokong pasquatin nila ako roon ng five minutes o kahit ilang minuto basta ayoko.Pupunta kayo sa crew gagawa kayo ng flag to represent your crew. Magkakaroon ng awarding after that ang magandang flag ang mananalo. Naiintindihan?! Isa na namang nakakatakot na sigaw ng patrol leader o pl for short.
Infairness ha. Gwapo siya. Ang kaso ang lagkit ng tingin sa kanya ni Ann. Mukhang type nya. Napatingin siya sakin kaya nginitian nya ako ng nakakaloko bago ibinalik ang tingin kay PL sunod ulit sakin. Seriously? Kinakabahan ako sa tingin niya. Pakiramdam ko may plano siyang hindi maganda. No. Sigurado akong may gagawin siyang hindi maganda. Pumunta na ako sa kasamahan ko sa crew at hindi siya pinansin.
Si PL. Kasama si Ann. Naglalakad si PL na tila hindi napapnsin si Ann na naging dahilan naman ng pagsibangot nito. Nakita ko namang sumisigaw na si Ann base sa ibinubuka ng bibig at ekspresyon nito. habang napapahilamos na lang si PL ng mukha. SA inis siguro.