Naisip ko ang mundo.
Ang mga pangyayari sa paligid nito na hindi mo kailanman maipapaliwanag.
Mga kasalanan ng mga tao.
Mga kriminal. Mamamatay tao.
Sabi nila na isipin mo palang na mamatay o pinapatay mo ang isang tao ay isang uri na ng pagpatay.
Mga bwiset ang kriminal. Mamamatay tao.
Napangisi ako sa tuwing pumapasok ang bawat salitang ito sa isip ko.
Kinuha ko ang kutsilyo mula sa pagkakasaksak nito sa
dibdib ng palabang taong ito kasabay ng pagpahid ko sa matalas na bahagi nito sa malinis na bahagi ng damit ng taong nakahandusay sa sahig.