DEVON'S POV:
Pagtunog ng bell ay dumiretsyo na ako bench na nasa labas ng gate ng eskwelahan namin.
Kaninang break time wala na si Xaria sa parking lot.
Lumapit sa akin ang guard at sinabing nagmamadali itong umalis.
Nung tinext ko siya hindi siya agad nagreply.
Muntik na akong magtampo pero nakatanggap ako text mula sa kanya nung lunch break.Sabi niya kasama niya si Kuya may importante silang gagawin at hintayin ko na lang daw siya ngayong uwian.
Tahimik lang akong naghintay, Nairaos ko ang buong araw dahil hindi pumasok si Bryan at ang mga barkada niya.
Ilang minuto lang ay natanaw ko si Xaria sakay ng bigbike niya.
"Sorry kanina ka pa naghihintay? Medyo naipit ako sa traffic e" sambit niya nang huminto ito sa harap ko.
"Hindi naman ako naghintay ng matagal e, Teka nga bakit ka pala pinatawag ni Kuya?" takang saad ko.
"May inayos lang kami sa marriage certificate namin" paliwanag niya.
"Ahh" tipid na sagot ko.
"Halika na baka matraffic pa tayo pauwi" saad niya at iniabot sa akin ang helmet.
"Teka ibang helmet to a? Tyala halatang kabibili lang nasaan na 'yung ginamit ko kanina?" nagtatakang turan ko.
"Kakamadali ko kanina hindi ko na alam kung saan nalaglag kaya ayan ibinili na lang kita ng bago" paliwanag niya.
"What? You really did bought a new one? Aksaya sa pera sana nanghiram ka na lang kay Kinn" sambit ko.
"Okay na 'yan ikaw naman ang gagamit e saka alangan namang umuwi pa ako para lang ikuha ka ng helmet okay na 'yan" saad niya.
Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang helmet at gamitin ito.
Agad pinaharurot paalis ni Xaria ang bigbike niya.
* * * * *
"Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na makitang nagkakasundo na kayong dalawa. Nakakalungkot lang na kailangan niyo pang masangkot sa gulo bago pa 'yan mangyare" saad ni Dad habang nakatayo sa pinto nang makababa kami sa bigbike ni Xaria.
"Dad i'm sorry sa nangyare hindi ko naman alam na malalagay kami sa alangnin I learned my lesson" saad ko.
"You don't have to apologize to me, Yoy should apologize to your sister in law" saad niya.
"It's okay Pá I understand his behavior these past few days no need to say sorry" sagot ni Xaria.
"Glad to hear that, Come on at nang makakain kayo ng meryenda nagpahanda ako kay Belen" malawak ang ngiting aya ni Dad.
Habang papasok kami ay napansin kong mukhang matamlay si Xaria at parang may kakaiba sa paraan ng paglalakad niya.
I suddenly remembered the book I read last time.
After a couple do their love making nawawalan ng energy ang babae at nahihirapan itong maglakad.
Hindi kaya nagchukchakan si Kuya at si Xaria kaya niya pinatawag?
Dinahilan lang ni Xaria ang marriage certificate nila?"Devon Hijo? What's wrong bakit namumula ka? May masakit ba sayo?" pagpukaw ni Dad sa atensyon ko.
"Ah ha? Wala Dad mainit lang kasi" pagdadahilan ko.
Agad kong tinanggal ang suot kong jacket at iwinaksi ang mga pangyayareng pumapasok sa isip ko.
Kilabutan ka Devon! Kung ano-ano ang iniisip mo!
![](https://img.wattpad.com/cover/378511617-288-k540267.jpg)
YOU ARE READING
Mafia Lord's Fake Wife (Taglish)
RomantikA girl who accidentally became the contractual wife of a mafia lord. Will she ever regret her decision in accepting this contract or will they truly become a couple in the end?