"Ikaw lalaki ka, wala ka nang ginawa kung hindi unahin 'yang bisyo mo. Pag-iinom, pagsusugal, at pambababae! Wala na ba kaming puwang diyan sa puso mo?"
"Tumahimik ka na nga. Matutulog na ako. Masama pakiramdam ko"
"Paano hindi sasama iyan? Madaling araw ka naman umuwi para makipag-inuman sa mga kaibigan mong kunsintidor"
"Tumahimik ka na kung hindi sasampalin kita!"
Ito ang palaging rason kung bakit ako at ang kapatid ko ay nagigising ng madaling araw. Talak dito, talak doon, wala nang ibang ginagawa sila mama at papa kung hindi mag-away. Wala na nga silang oras sa bahay at sa amin ng kapatid ko, parati pa silang nag-aaway sa harap namin. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan sila. Hindi naman sila ganyan dati. Nung nasa Cebu pa ako, hindi ako nakakarinig ng away mula kay lolo at kay lola kaya nung bumalik ako dito sa Maynila, nanibago ako. Siguro, ginusto rin ng Diyos na dito ako sa Maynila mag-aral ng 4th year para siguro maalagaan ko ang kapatid ko. Kawawa naman. Hindi na ako makatulog sa nangyari. Pasok ko pa naman bukas. Mas mainam sigurong magbihis na lang ako ng maaga para maaga din ako sa school. Malay natin, baka magkaroon ako ng kaibigan dun, eh, new student pa naman ako.
"Papa, tama na po. Huwag niyo na pong saktan si mama"
"Anak! Sa'n ka pupunta?"
Ito ang narinig ko mula sa banyo kaya't nagmadali akong lumabas para tingnan kung ano na ang nangyari.
"Ma, anong nangyari?"
"Anak, ang kapatid mo, tumakbo palabas ng bahay."
"Iyan! Tingnan mo tuloy ang nangyari. Ma, Pa, ano ba? Mahal niyo ba kami? Hindi niyo ba alam na dahil sa ginagawa ninyo, nasasaktan din kami? Okay sana kung ako lang ang nasasaktan pero ang kapatid ko, naiintindihan niya na lahat. Maawa naman kayo sa'min. Hindi kailanman namin hinangad na magkaroon ng pamilyang kagaya ng sa atin. Ma, Pa, mahal na mahal namin kayo. Sana sapat na rason na iyon para tumigil na kayo sa pag-aaway at magsimula ulit"
Tumakbo ako sa kwarto na tumutulo ang luha. Nagmadali akong nagbihis para habulin ang kapatid ko. Ginamit ko ang bisikleta ko para mas mapadali ang paghabol ko. Dahil sa aking pagmamadali, hindi ko namalayang may isang babae na nagdadrive rin ng bisikleta ang nabangga ko sa aking biglang pagliko. Nang makita kong natumba siya mula sa kanyang bisikleta, tinanung ko siya.
"Miss, okay ka lang ba? Sorry. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na. Mauna na ako"
Bakit ko ba naitanong kung okay lang ba siya eh halata namang hindi. Pasensya na talaga miss. Kung hindi lang importante itong gagawin ko, natulungan pa sana kitang mapatayo. Hindi ako nahirapan sa paghahanap ko sa kapatid ko sapagkat minsan na niyang naipakita sa akin ang lugar kung saan siya parating nagtatambay kapag may hinanakit siya.
"Okay ka lang ba? Nandito na si kuya. Uwi na tayo"
"Kuya, bakit ganun si mama at papa? Bakit parati silang nag-aaway? Hindi ba nila tayo love?"
"Love nila tayo. Siguro, hindi natin sila naiintindihan ngayon. Balang araw, maiintindihan din natin sila. Huwag ka na malungkot, nandito naman si kuya. Hindi mo ba love si kuya? Halika na, uwi na tayo"
Haaaaaay! Buti na lang at nakumbinsi ko ang kapatid kong umuwi. Teka! Anong oras na ba? Naku, late na ako. First day of classes tapos late ako. Naku! Palpak na naman ako. Hinatid ko na ang kapatid ko sa bahay. Sinalubong naman kami ni mama at papa na umiiyak. Sana huling pag-aaway na nila 'yun. Ang hirap eh. Nang nakapunta na ako sa school, late na talaga ako. Nag-umpisa na ang flag ceremony at nagsipuntahan na rin ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan. Dumiretso ako sa bulletin board na malapit sa principal's office para tingnan kung anong section ako at saang room ako papasok.
"Good morning, teacher and classmates. I'm sorry I'm late. May I come in?"
Kakahiya naman ito. First day tapos late pa. Bad shot talaga!
"Oh! Nandito na pala ang hinihintay ko. Class, siya ang magiging bagong classmate ninyo. Halika iho! Ipakilala mo ang sarili mo sa buong klase. Pagkatapos mo ay ipapakilala din nila ang mga sarili nila para makilala mo sila"
Naku! Ito na siguro ang premyo ko sa pagiging late sa unang araw ng klase. Nakakahiya naman. Wala pa nga akong kilala, ako pa una ipinakilala sa buong klase. Sana talaga maging mabait lahat sa akin. Sana lang.