"Oh! Nandito na pala ang hinihintay ko. Class, siya ang magiging bagong classmate ninyo. Halika iho! Ipakilala mo ang sarili mo sa buong klase. Pagkatapos mo ay ipapakilala din nila ang mga sarili nila para makilala mo sila"
---
"Ruru, doon ka maupo sa likuran since late ka na. Huwag ka mag-alala. Sigurado naman akong magkakasundo kayo ni Barbie. Barbie, seatmate muna ngayon si Ruru, okay?"
"May magagawa pa ba ako, ma'am?"
"Ano sabi mo, Barbie?"
"Huh? Wala ho ma'am. Masaya nga ako eh kasi mas makikilala ko pa si Ruru"
Tumaas ang kilay ni Barbie nang malaman niya lang magiging classmate si Ruru kung hindi magiging seatmate pa niya ito. Tumungo na si Ruru sa upuan niya at personal na nagpakilala kay Barbie.
"Hello!"
Hindi man lang umimik si Barbie.
"Hello! Hindi ka man lang ba sasagot? Napapagod na ang kamay ko oh"
"Pake ko?"
"Bakit ang sungit mo?"
"Huh? Wala ka ba talagang maalala o sadyang hindi mo lang nararamdaman na nabibwesit ako sa'yo?"
"Naaalala? Nagkakilala na ba tayo dati? Sorry pero hindi kasi kita naaalala eh. Bwesit agad? Hindi ba pwedeng makipagkilala ka sa'kin muna?"
"Ayoko!"
"Bahala ka! Ikaw rin magsisi talaga huh?"
"Magsisi talaga? Kapal mo naman"
"Class, salamat sa kooperasyon ninyo. Sana maging nice and pleasant kayo kay Ruru kasi bago pa lang siya dito. Oh, recess time na! After recess, let's start another activity, okay?"
Since wala pa namang kaibigan si Ruru. Napagdesisyunan niyang pumunta sa canteen na mag-isa. Habang sina Barbie at Chariz naman ay nag-uusap papuntang canteen.
"Alam mo, best. Naiinis talaga ako. Naging seatmate ko pa 'yong hambog na 'yon"
"Hambog? Eh ang gwapo nga nun eh. Malay mo, magkadevelopan kayo."
"Never. Hindi ako magkakagusto sa isang mayabang at ulyaning lalaki"
"Ewan ko sa'yo, best"
Pumunta na sa canteen sina Barbie at Chariz nang hindi inaasahang nagkabanggaan sina Ruru at Barbie at natapon lahat ng nabiling pagkain ni Ruru sa uniform ni Barbie.
"Waaaaaaaaaaa! Ano ka ba? Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?"
"Ako pang hindi nakatingin? Eh kayo nga itong chismis ng chismis eh kaya hindi niyo ako nakita"
"Naku! Ikaw pa 'tong may ganang manisi eh ikaw naman itong nakatapon ng pagkain sa uniform ko"
"Ikaw naman kasi eh. Wala naman akong ginawa sayo pero ang init init ng ulo mo. Hayaan mo na, gagawan natin 'yan ng paraan. Gusto mo, ilibre pa kita sa ng pagkain"
"Huwag na! Sinira mo na araw ko. Kanina pa!"
Biglang umalis si Barbie papuntang banyo upang linisin ang uniform niya.
"Nakuuuu! Nakakabwesit talaga iyong lalaking iyon. Hindi man lang nagsorry, so ako pa ang magsosorry ngayon? ANG KAPAAAAAAAL!"
Nagring na ang bell at oras na para bumalik sa classroom. Dahil wala na sa mood ni Barbie, naisipan niyang huwag munang pumasok sa classroom, sa halip ay pumunta siya sa isang bakanteng classroom na nasa likod ng high school building. Siya lang ang may alam ng lugar na iyon. Doon siya pumupunta kapag naiirita siya. Nakagisnan na niyang maglabas ng sama ng loob sa lugar na iyon. Habang papasok siya sa classroom...
"Bakit nakabukas ito? Palagi naman itong sirado ah"
Pumasok si Barbie sa classroom. Nagmasid at nakiramdam kasi baka mahuli siya na hindi siya pumasok sa classroom. Hindi niya nakitang may balat ng saging sa sahig kaya nadulas siya nang may biglang sumalo sa kanya.
"Bakit naman kasi hindi nag-iingat? Pangalawa na 'yan. Mukhang hindi para sa'yo ang araw na 'to ah"
Biglang napatingin si Barbie sa lalaking may hawak sa kanya.
---
SINO KAYA ANG MYSTERIOUS GUY NA NAGLIGTAS KAY BARBIE? Abangan sa susunod na kabanata ng MAYBE THIS TIME! :)
