Chapter 1 - BARBIE FORTEZA

581 18 3
                                    

"BAAAAARBIEEEEEEE!"

Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni mommy. As usual, hindi ko namalayan na 6am na at baka malate na ako sa school. Unang araw ng pasukan ngayon at super excited ako. 4th year high school na ako this school year and of course, gusto ko nang gumraduate. Goal ko ngayong taon ang mamaintain ang grades ko and maging class valedictorian sa graduation.

"Ayan, anak! Binili kong bagong bag para sa'yo. Diba favorite mo naman si Hello Kitty? Pagtiyagaan mo muna 'yan. Hayaan mo, kapag nanalo ako sa lotto, bibilhin ko si Hello Kitty para sa'yo." sabi ni nanay.

"Naku, 'nay! Okay lang naman 'tong bag ko. Kahit sira na pero naitahi ko naman kagabi. Nag-abala pa kayo. Sana idinagdag niyo na lang 'yan sa araw-araw nating gastusin. Sige po, baka malate na ako"

Mga nanay talaga! Gagawin talaga lahat para sa kanilang mga anak. Medyo sira na nga ang bag ko. Mas mabuti na rin sigurong may bagong bag ako. Araw-araw, ginagamit ko ang bisikletang bigay ng pinsan ko patungong eskwelahan, tipid na sa pera, pang-exercise pa. Kinakanta ko pa ang paborito kong kanta habang nagbibisikleta nang...

"Miss, okay ka lang ba? Sorry. Nagmamadali kasi ako. Pasensya na! Mauna na ako."

Naku! Nakakainis! Kung malasin ka nga naman. Unang araw ng pasukan, may nabangga nang mayabang na lalaki, hindi pa ako tinulungan sa pagkakatumba ko. Lord, please, good vibes naman. Ayokong sirain ang first day ng school ko. Kahit ganun, patuloy akong nagdrive sa school kahit na masakit ang tuhod ko sa aking pagkakatumba kanina.

Pagdating na pagdating sa school, nakasalubong ko ang bestfriend kong si Chariz.

"Best, alam mo bang may bagong classmate tayo? Excited na ako. Sabi nila gwapo daw eh"

"Ikaw talaga, Chariz. If I know kick out na 'yan sa ibang school. Bakit sa 4th year pa siya magtatransfer? Iyong iba nga pinagtitiisan makuha lamang ang loyalty award sa school. Isa pa, kahit gwapo man 'yan o hindi, wala na akong pakialam, studies muna. Diba sabi nila, study first before entering the kingdom of love"

"Huwag namang ganyan, best. Sige ka, baka kainin mo 'yang mga sinasabi mo. Luma na 'yan, best! Ang uso ngayon, STRIKE WHILE THE IRON IS HOT"

"Haha! Ikaw talaga, best. Wala ka nang alam kung hindi maghanap ng mga gwapo. Halika na nga! Flag ceremony na"

Dahil first day ng pasukan, naka-civilian attire ang mga students. As usual, lalong gumaguwapo at gumaganda ang mga estudyante kapag hindi suot ang kanilang mga uniforms. Kitang-kita ang excitement sa mukha ng lahat sa unang araw ng pasukan. Self-introduction, expectations, and school service orientations na naman para sa unang araw ng klase. Pumasok na kami sa mga kanya-kanyang classrooms at hindi na naman nawala ang ingay sa classroom. Lahat ng mga tao busy sa pagkukuweto kung anu-ano ang mga ginagawa nila during summer at pati ang adviser namin nakikichika rin.

"Good morning, teacher and classmates. I'm sorry I'm late. May I come in?

"Oh! Nandito na pala ang hinihintay ko. Class, siya ang magiging bagong classmate ninyo. Halika iho! Ipakilala mo ang sarili mo sa buong klase. Pagkatapos mo ay ipapakilala din nila ang mga sarili nila para makilala mo sila"

OMG! Biglang napatingin ako kay Chariz nang makita ko ang bagong classmate namin. Siya ang dahilan kung bakit may sugat ako sa tuhod at kung bakit nahaluan ng bad vibes ang araw ko. Yes, tama kayo. Siya ang lalaking nakabunggo ko kanina na wala man lang ginawa para tulungan akong tumayo sa pagkakatumba ko. Aba! Nalate pa eh siya itong nagmamadali kanina. Naku! Kung wala lang tayo sa classroom, tinadyakan na kita diyan. Kakainis!

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon