Chapter 5 - Love your enemies

360 18 10
                                        

Nang magsimula ng magdrive si Barbie. Napansin niyang flat pala ang gulong ng bisikleta niya.

"Paano na ito? Ano ba 'yan? Bakit ngayon pa naflat ito kung kailan may importante akong kukunin sa bahay"

"Angkas ka na lang sa'kin. Saan ba banda ang bahay niyo?"

"Doon lang sa may kanto. Malapit sa malaking convenience store doon"

"Aaaaah. Malapit lang pala. Halika na. Upo kana sa harap ko. Ihahatid na kita"

"Sigurado ka? Aangkas ako?"

"Oo na. Sige na para naman makabawi ako sa'yo. Laki kaya ng atraso ko sa'yo ngayong araw na ito"

"Buti at alam mo"

"Hahaha! Sige na! Angkas na"

---------------

"Ruru, pasensya ka na pala sa'kin. Pasensya kung naging mataray ako sa'yo. Akala ko kasi mayabang at maldito ka"

"Okay lang 'yun. May kasalanan din naman ako eh. Ako nga dapat humingi ng tawad kasi hindi man lang kita natulungang tumayo nung natumba ka, pati na rin 'yung nangyari sa canteen, nadumihan tuloy ang uniform mo"

"Isa nga rin yun sa rason kung bakit ako uuwi eh, para makapagchange ng uniform"

"Hahaha. Pasensya na talaga. Okay ka lang ba? I mean, masakit umupo sa harapan ng bisikleta"

"Okay lang. Hindi ko naman nafifeel yung sakit eh kasi ang daldal mo"

"Ako pa talagang madaldal huh? Ikaw talaga, Barbie"

"Liko ka sa may kanto, tapos drop mo na lang ako sa tapat ng bahay namin"

"Sige. Andito na tayo. Paano? Kita na lang tayo mamaya sa school, seatmate"

"Hahaha! Sige. See you later, seatmate"

Umalis na si Ruru at pumasok na rin sa bahay si Barbie. Nagmadali itong kumain at nagpalit ng uniform na rin. Pagkalabas ni Barbie sa bahay ay nakit niyang naghihintay si Rick sa labas ng gate.

"Oh, Rick? Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Napadaan lang kaya hinintay na lang kita para sabay na tayo pumunta ng school"

"Ikaw talaga. Bakit hindi ka man lang kumtaok o pumasok? Ang init kaya sa labas ng bahay. Ikaw talaga, Rick"

Pumunta na agad sina Barbie at Rick sa school. Pagkadating nila ay naghiwalay rin sila agad para pumunta sa kani kanilang mga classrooms. Pagkapasok ni Barbie sa classroom, nandun na pala si Ruru sa upuan niya.

"Ano 'to?"

"Wala lang. Surpresa ko sa'yo dahil ang unang kaibigan ko sa new school ko, dinalhan kita ng cake. Luto ni mommy 'yan kanina kaya naisip kong baka gusto kaya nagdala na lang ako."

"Sus, nag-abala ka pa. Salamat, Ru. Hayaan mo uubusin ko talaga ito"

Nagdaan ang mga araw at nagiging close na close na talaga sina Barbie at Ruru. Sabay na sila pumasok, magbreak sa canteen, at maging sa pag-uwi ay sabay na rin sila.

"Oh? Bakit ka malungkot, Ru?

"Wala. Nahihirapan lang talaga ako sa assignment natin sa Physics eh. Alam ko naman ang formula kaso hindi ko talaga makuha ang answer"

"Bakit ngayon ka lang nagsabi? Simula ngayon, kapag may lesson kang hindi naiintindihan, sabihin mo lang sa'kin para matutor kita. Magkatabi nga lang tayo pero hindi ka naman humihingi ng tulong sa'kin?"

"Okay lang ba talaga sa'yo, Barbie?"

"Sus, Ikaw pa? Malakas ka kaya sa'kin"

Simula sa araw na 'yon naging personal tutor na ni Ruru si Barbie. Nagdaan na ang araw ng mga patay, pasko, at baong taon, pero nanatili pa rin ang closeness ng dalawa.

"Happy Valentines day, Barbie. Ito flowers, teddy bear, and chocolates for you"

"Naku! Nag-abala ka pa. Thank you, Ru"

Pagkatapos magthank you ni Barbie kay Ruru ay biglang sininok ito. Tawa lang ng tawa si Ruru kay Barbie kasi ang cute pakinggan ng pagsinok nito.

"Alam mo ba ano solusyon sa pagsinok mo?"

"Ano?"

"Halika, lapit ka"

"Bakit? Anong gagawin mo?"

"Basta lapit ka lang"

"Ito na"

Biglang niyakap ni Ruru si Barbie at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos ng magical na moment na 'yun ay himalang nawala din ang pagsinok ni Barbie.

"Tingnan mo, biglang nawala diba? Yakap at halik ko lang pala ang solusyon dun eh. Seriously Barbz, thank you talaga. You made my last year sa high school so memorable"

"Ikaw talaga, Ru. Ikaw rin naman eh. You made this year extra special. Bakit ba tayo nagdadramahan? Halika na! Uwi na tayo"

Pagkauwi ni Barbie sa bahay nila may surpresang naghihintay sa kanya.

---------------

Anong surpresa kaya ang nakahintay kay Barbie sa bahay?

Abangan sa Chapter 6 ng MAYBE THIS TIME.

Nais ko rin magpasalamat sa mga bumabasa nito at sa lahat ng nagmamahal sa kwento. Post your comments lang po. Salamat. ☺

MAYBE THIS TIMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon