"Barbie, pasensya ka na sa gagawin ko. Mas kailangan ako ng mommy at daddy ko ngayon. Sana sa pagbalik ko, maalala mo pa rin ako. Sana sa pagbalik ko, nandiyan ka pa rin para sa akin. Mahala na mahal kita"
Muling pumasok si Ruru sa sasakyan at pumunta na agad sila sa airport para sa kanilang biyahe.
--------------
Nang nakaalis na sila si Ruru mula sa bahay nila ni Barbie, dumating naman ang mag-ina sa kanilang bahay.
"Ma, sobrang thank you po sa gift niyo. Talagang super happy po ako."
"Anak, alam mo namang proud na proud ako sayo diba? Halika nga! Pahug nga!"
"Inay, para sa'yo naman ang lahat ng ginagawa ko. Balang araw, magtatayo ako ng business at hindi niyo na kailangang magtrabaho pa."
"Sus! Ang swerte ko talaga sa anak ko. Halika na! Magpahinga na tayo. Maaga pa tayong lalakad bukas para sa graduation mo"
Kinabukasan ay maagang naghanda ang mag-ina para sa graduation nila ni Barbie. Excited na rin sa Barbie sapagkat marami rin siyang nakuhang awards sa kanilang pagtatapos. Masayang-masaya si Barbie na nakikita ang ina na sobrang saya dahil sa kanyang achievements. Nagsimula na ang graduation pero nahalata ni Barbie na parang may kulang sa graduation nila, si RURU.
"Asan na kaya 'yun? Excited 'yun na grumaduate kaya imposibleng hindi iyon dumating"
Nagtaka si Barbie kung hindi pa dumadating ang boyfriend sa kanilang graduation nila.
"Siguro malelate lang 'yon"
Natapos na lang ang kanilang graduation pero hindi pa rin dumating si Ruru sa kanilang graduation kaya naging malungkot si Barbie hanggang sa natapos ang graduation.
"Anak, bakit ganyan ang itsura mo?"
"Wala, 'nay. Nagtataka lang ako kung bakit wala si Ruru sa graduation. Nababahala ako at baka may nangyari sa kanya"
"Baka naman late na kaya hindi na lang siya pumunta dito. Hayaan mo, okay lang siya."
"Best!!!! Congratulations sa atin! Bakit ganyan mukha mo? Halos hinakot mo na nga lahat ng awards tapos malungkot ka pa rin"
"Wala kasi si Ruru, nag-aalala lang ako sa kanya"
"Sus! Nag-aalala ka pa? Kilala mo naman 'yung boyfriend mo. Ang tapang kaya nun!"
Pumunta agad ang pamilya ni Barbie sa malapit na mall upang magcelebrate sa graduation niya pero hindi pa rin mawala sa isipan ni Barbie kung bakit wala si Ruru sa graduation nila. Pinuntahan niya agad ang bahay nila na Ruru pagkauwi nila sa bahay.
"Tao po! Tao po! RURU! RURU!"
Nagtaka si Barbie kung bakit walang ilaw sa bahay.
"Saan kaya pumunta 'yon? Bakit walang tao sa bahay?"
Naghintay si Barbie ng ilang oras sa labas ng bahay sa pagbabakasakaling uuwi ang pamilya nila ni Ruru. Ilang oras pa ang nakalipas, umuulan na ng malakas, pero hindi pa rin umuwi si Barbie at naghintay sa labas ng bahay.
"Miss, sino po hinahanap ninyo?"
"Nasaan na po ba ang nakatira dito?"
"Ahhh. Sila Ruru? Umalis na sila kaninang umaga. Pupunta na sila sa labas ng bansa. Sige, miss. Mauna na ako"
Hindi maiwasan ni Barbie na umiyak sa labas ng bahay habang umuulan. Napaupo na lang siya sa labas ng bahay habang umiiyak. Napansin niyang may isang lalaki ang nakatayo sa harapan niya at binigyan pa siya nito ng panyo.
"Rick? Ba't nandito ka?"
"Sabi kasi ni tita na nandito ka raw kaya sinundan kita. Uwi na tayo"
"Ayoko. Hihintayin ko si Ruru hanggang sa bumalik sila"
"Ba't mo pa ba hihintayin ang taong hindi na kailanman babalik?"
"Babalik siya dahil mahal ko siya at mahal niya ako"
"Nasa'n na siya? Iniwan ka na niya, Barbie."
"Ba't ganun, Rick? Kung kailan nagmahal ka ng sobra, dun pa sa taong kaya kang iwanan. And worst, iniwan kang hindi man lang nagpapaalam. Ang tanga-tanga ko, Rick"
Humagulhol sa pag-iyak si Barbie. Awang-awa si Rick kay Barbie kaya binitawan nito ang dalang payong at niyakap si Barbie.
"Barbie, nandito naman ako eh. Handa akong mahalin ka. Pangako, hindi kita iiwan."
Biglang napatingin si Barbie kay Rick.
---------------------
MAGKIKITA PA BA SINA RURU AT BARBIE? ANO ANG MANGYAYARI KAY BARBIE AT RICK?