Chapter 10 - THE NEW NEIGHBORHOOD

237 11 6
                                    

"Oh, Barbie? Bakit napatawag ka?"

"Uhm, Rick... busy ka ba ngayong gabi? Gusto mo lumabas tayo?"

"Uu naman. Basta ikaw, always available naman ako, diba? Teka, bakit parang nag-iba ang hangin at ikaw ngayon ang nang-aaya ng date?"

"Hindi ba pwedeng yayain ang isa sa mga best friends ko?"

"Best friend?"

"Bakit?"

"Wala. Hanggang ngayon ba ganun pa rin yung tingin mo sa akin?"

"Rick, darating din tayo diyan. Alam mo naman ang totoo, diba? Tulungan mo ako."

"Ano ibig mong sabihin?"

"Tulungan mo akong kalimutan siya"

"Matagal na kitang tinutulungan, Barbie. Walong taon na"

"Iba naman ngayon eh. Gusto ko na siyang kalimutan kaya tulungan mo ako"

"Sigurado ka na ba diyan?"

"Sigurado na kaya sunduin mo ako dito sa dance studio ng 8pm"

"Libre mo? Haha!"

"Ganun? Si Ruru noon hindi namin ako pinapalibre"

"Oo na! Libre ko na. Kalimutan na nga, diba?"

"Oo na! Binibiro ka nga lang eh. Ikaw talaga! Oh, sige na! See you later"

Binabaan na ni Barbie si Rick sa kabilang linya. Biglang napahingi ito ng malalim.

"Tama ba ito? Ito na ba ang tamang panahon para kalimutan siya? Bahala na nga!"--------------------------

Dumating si Rick exactly 8pm sa studio at naabutan pa niya si Barbie na may dance class kaya ng makita siya ni Barbie ay kumaway siya at nagsmile. Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos din ang dance class kaya lumabas na ng room si Barbie.

"Best!"

"Oh, Chariz? Bakit nagmamadali ka ata?"

"May chica ako sa'yo, best!"

"Ano na naman 'yan? Na may bago ka namang lovelife? Wala bang bago, best?"

"Hindi. For sure, mashoshock ka sa sasabihin ko"

"Ano nga yun?"

"Alam mo ba ang dance studio sa tapat ng studio natin ay binenta pala"

"Good! Eh, bakit ako mashoshock? Matutuwa pa nga ako kasi wala na tayong kalaban sa lugar na ito"

"Diyan ka nagkakamali, best! Nabili na ang pwesto at ang sabi nila na mula raw sa labas ng bansa ang nakabili niyan. Ibig sabihin mula sa ibang bansa rin ang magiging choreographers 'jan kaya dapat nating paghandaan ang bago nating mga kalaban?"

"Haaaah? Talaga? Ngayon pa ba ako matatakot, best? Marami na akon pinagdaanan kaya hindi na ako takot diyan"

"Huwag kang kumpiyansa, best. Malay mo baka magagaling din diyan. Ikaw rin, binalaan na kita kaya huwag na huwag mo akong sisihin"

"Hindi matatalo si Barbie. Ano ka ba?"

"Rick? Nandito ka? Ilang minuto lang akong lumabas ng studio at nandito ka na pala"

"Uu eh. May date kami ngayon ni Barbie eh"

"Date? Sinunod mo talaga ang sinabi ko best huh?"

"Anong sinabi mo?"

"Uhm, wala Rick. Sa amin na lang iyon"

"Kayong dalawa talaga!"

"Rick, punta lang muna ako sa washroom at magbibihis ako. Hintayin mo ako huh?"

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon