Chapter 11 -

248 10 12
                                    

"Best!"

"Chariz? Hindi ba uso ang kumatok? Ako naman itong muntik nang nirbiyosin dahil sa'yo"

"Pasensya. Best, bukas na pala bubuksan ang dance studi na magiging katapat natin"

"Bukas? Kanino mo nalaman?"

"Kakalagay lang nila ng poster at tarpaulin sa harap ng dance studio. Ito at invited pa tayo sa opening nila bukas. Aattend ba tayo?"

"Siyempre naman. Baka sabihin nilang threatened tayo. Never!"

"Iyon oh!"

"Paghahandaan natin iyan. Samahan mo ako ngayong gabi at magshoshopping tayo para sa isusuot natin bukas, okay?"

"Libre mo ko?"

"Okay. May choice pa ba ako?"

"Yehey! Thanks, best!"

---------

Pagkatapos ng trabaho ay agad agad na umalis ang dalawa para naman  makabili na agad ng pwedeng maisuot sa opening ng dance studio sa tapat ng kanilang dance studio.

"Best, ito maganda ito. Bagay ito sa'yo"

"Ang sexy naman niyan, best!"

"Dapat head turner ka dun. Bilang ikaw naman ang katapat nila, dapat mathreaten sila sa iyo, diba?"

"Ikaw talaga. Bagay ba sa'kin 'yan?"

"Oo naman. Ikaw pa! You will look prettier and sexier kapag isinuot mo na ito"

"Sige na nga. Bilhin ko na ito"

"Wow! Bili agad? Di ba pwedeng isukat muna?"

"Huwag na! Fit sa kin yan"

Nakapamili na nga sila ng mga susuotin nila para bukas.

"Best, kain naman tayo. Gutom na gutom na ako eh"

"Saan mo ba gustong kumain?"

"Dapat sa mamahaling restaurant na lang tayo, best"

"Aba! Kung makapagrequest naman ito"

"Dapat lang. Ang bigat kaya nitong mga ipanapadala mo sa akin kaya may karapatan akong magrequest, diba?"

"Oo na! Tayo na. Gutom na rin ako eh"

Pumunta agad ang dalawa sa mamahaling restaurant na favorite nila. Takam na takam na si Chariz na kumain kaya ng dumating na sila sa labas ng restaurant ay pumasok na agad ito habang si Barbie naman ay naiwan sa labas habang may kinukuha sa bag niya.

"Thanks, Bro! I just need to eat. I'm hungry. See you tomorrow"

Nakatilod na lumalakad ang lalaking narinig ni Barbie sa likod niya kaya hindi nito namalayan si Barbie. Nagkabanggaan ang dalawa at nahulog ang wallet ni Barbie.

"Ano ba? Bakit naman kasing hindi tumitingin sa dinadaanan eh"

"Sorry na, miss. Kasalanan ko"

Pinulot ni Barbie ang kanyang wallet at nagkasabay ang dalawang hawakan ang wallet nito. Nang magkatitigan ang dalawa, kinuha ng lalaki ang suot nitong shades at...

"Barbie?"

"Ruru?"

"I didn't expect I'd see you here"

"Sorry. Wala akong time makipag-usap sa'yo"

"Just for a minute. I have a lot of things to tell and explain"

"Hindi ko na kailangan 'yan"

Hindi namalayan ni Barbie na sinisinok siya habang kausap niya si Ruru. OMG! Naaalala niyang si Ruru lang ang dahilan kung bakit siya sinisinok at siya lang rin ang taong nakakawala nito.

"Sinisinok ka"

"You don't care! CHARIZ! CHARIZ!"

"Aalis na kayo?"

"We have to kung hindi masisira ang araw ko"

"Barbie, we have to talk"

"Tigilan na natin ito, Ruru. Wala ka ng dapat iexplain pa"

Umalis agad agad sina Chariz at Barbie. Sumakay agad sila ng taxi. Bigla na lang napaiyak si Barbie sa loob ng taxi.

"Best, okay ka lang ba?"

"Bakit pa kasi ngayon eh? Bakit pa ngayon kung kailan gusto ko na siyang kalimutan. Bakit ngayon kung kailan sasagutin ko na sana si Rick? Bakit ngayon pa kung kailan hindi ko pa rin siya maalis sa isip at puso ko?"

"Best, baka my dahilan kaya kayo nagkita ulit"

"Anong dahilan? Para maipamukhang kawawa ako? Kawawa ako kasi mahal ko pa rin siya hanggang ngayon?"

"Baka naman bumalik siya para sa'yo?"

"Malabo 'yun. Ni magpaalam nga hindi niya kayang gawin"

Binigyan na lang ni Chariz ng mahigpit na yakap si Barbie para huminahon ito sa pag-iyak. Dinamayan niya na ito sapagkat alam na alam niya kung bakit ganun na lang ang pag-iyak ng matalik na kaibigan niya.

Kinabukasan, naghahanda na ang magkaibigan para sa opening ng dance studio na magiging mahigpit na kalaban nila.

"Okay ka na ba?"

"I have to be okay. Hindi na naman kami magkikita eh. Ayokong magmukhang kawawa sa party kaya good vibes muna tayo, okay? Okay na ba itong suot ko, best?"

"Bagay na bagay! Sabi ko naman sa'yo, diba?"

"Tara na! Punta na tayo dun"

---------------------

ANONG MANGYAYARI SA PARTY? ABANGAN!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon