Chapter 9 - MOVING ON

190 7 5
                                    

"Rick? Ba't nandito ka?"

"Sabi kasi ni tita na nandito ka raw kaya sinundan kita. Uwi na tayo"

"Ayoko. Hihintayin ko si Ruru hanggang sa bumalik sila"

"Ba't mo pa ba hihintayin ang taong hindi na kailanman babalik?"

"Babalik siya dahil mahal ko siya at mahal niya ako"

"Nasa'n na siya? Iniwan ka na niya, Barbie."

"Ba't ganun, Rick? Kung kailan nagmahal ka ng sobra, dun pa sa taong kaya kang iwanan. And worst, iniwan kang hindi man lang nagpapaalam. Ang tanga-tanga ko, Rick"

Humagulhol sa pag-iyak si Barbie. Awang-awa si Rick kay Barbie kaya binitawan nito ang dalang payong at niyakap si Barbie.

"Barbie, nandito naman ako eh. Handa akong mahalin ka. Pangako, hindi kita iiwan."

Biglang napatingin si Barbie kay Rick.

-----------

Walong taon ang nakalipas at naitayo na rin ni Barbie ang kanyang dance studio na LOVE HICCUPS. Mula high school hanggang college, naging magaling na dancer si Barbie sa kanilang paaralan. Paminsan minsan ay naiisip pa rin niya si Ruru kapag siya ay sumasayaw sapagkat palagi siya nitong kapareha sa mga sayaw. Ang pangalang LOVE HICCUPS rin ay hango sa kanyang personal na karanasan kay Ruru na sa tuwing sinisinok siya ay hinahalikan lang siya nito sa noo at bigla na lang itong nawawala. Unang araw ng dance studio ni Barbie kaya excited itong pumasok kasama si Chariz.

"Best, bakit ba naman kasi hindi mo na sagutin si Rick? Eh, walong taon na ngang nanliligaw itong tao sa'yo, diba? Hindi mo pa rin ba nagegets na mahal na mahal ka nun?"

"Best, hindi ko gustong linlangin si Rick. Sasagutin ko siya kung mahal ko na siya"

"Bakit? Bakit hindi mo siya magawang mahalin?"

"Basta! Wala nang tanong, please?"

"Si Ruru na naman? Hindi mo pa rin makalimutan si Ruru?"

"Hindi ko alam"

"Best, matagal ka nang iniwan ni Ruru. Hindi mo nga alam kung nasaan siya ngayon eh. Ano ka ba? Baka nga patay na yun eh. Best, bigyan mo lang ng chance si Rick. Total naman, matagal mo na siyang kaibigan, diba?"

"Basta. Best, pwede ba iwan mo muna ako? Doon ka muna sa studio at aayusin ko pa itong opisina ko, okay?"

Umalis si Chariz agad-agad sa opisina ni Barbie. Nang mag-isa na lang si Barbie ay napaisip siya bigla sa mga sinabi ng best friend nito sa kanya.

"Bakit ba hindi kita magawang kalimutan? Siguro ito na ang tamang oras para kalimutan kita"

Tinawagan agad ni Barbie si Rick.

"Oh, Barbie? Bakit napatawag ka?"

"Uhm, Rick... busy ka ba ngayong gabi? Gusto mo lumabas tayo?"

"Uu naman. Basta ikaw, always available naman ako, diba? Teka, bakit parang nag-iba ang hangin at ikaw ngayon ang nang-aaya ng date?"

"Hindi ba pwedeng yayain ang isa sa mga best friends ko?"

"Best friend?"

"Bakit?"

"Wala. Hanggang ngayon ba ganun pa rin yung tingin mo sa akin?"

"Rick, darating din tayo diyan. Alam mo naman ang totoo, diba? Tulungan mo ako."

"Ano ibig mong sabihin?"

"Tulungan mo akong kalimutan siya"

"Matagal na kitang tinutulungan, Barbie. Walong taon na"

"Iba naman ngayon eh. Gusto ko na siyang kalimutan kaya tulungan mo ako"

"Sigurado ka na ba diyan?"

"Sigurado na kaya sunduin mo ako dito sa dance studio ng 8pm"

"Libre mo? Haha!"

"Ganun? Si Ruru noon hindi namin ako pinapalibre"

"Oo na! Libre ko na. Kalimutan na nga, diba?"

"Oo na! Binibiro ka nga lang eh. Ikaw talaga! Oh, sige na! See you later"

Binabaan na ni Barbie si Rick sa kabilang linya. Biglang napahingi ito ng malalim.

"Tama ba ito? Ito na ba ang tamang panahon para kalimutan siya? Bahala na nga!"

MATUTULOY BA ANG DATE NINA RICK AT BARBIE?

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon