Characters

636 21 4
                                    

"Cool lang ako. Walang masyadong problema sa buhay. Kumbaga, happy-go-lucky lang ako pero pagdating sa pamilya, napakasensitive ko. Ngayong wala na sila mommy and daddy at successful na ang business namin sa USA, oras na para balikan ko ang mga iniwan ko sa Pilipinas. Naaalala pa kaya niya ako? Mapapatawad pa niya kaya ako?" ~ RURU MADRID

"Positive and bubbly ako noon pero iba na ngayon. Hindi ko alam kung bakit naging ganito na ako simula ng may nang-iwan sa akin noong high school. Whew! Takot na akong umibig. Takot na akong masaktan. Wala namang problema sa akin, hindi naman sa nagyayabang ako, pero maganda, sexy, at matalino naman ako. Marami din naman ang nanliligaw sa akin kaso wala akoang magustuhan sa kanila. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon naghihintay pa rin ako. Panahon na kaya upang buksan ko na ang puso ko para sa iba?" ~ BARBIE FORTEZA

"Bestfriend, takbuhan, at iyakan -- 'yun lang naman ang tingin niya sa akin eh. Gustung-gusto ko na siya simula pa noon high school pa kami pero may gusto siyang iba. Wala naman akong lakas ng loob na sabihin sa kanya kasi ayaw kong mawala siya sa akin. Noong labis siyang nasaktan nang dahil sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya, nandoon lang ako para makinig at para icomfort siya. Ngayon, gusto ko nang magtapat sa kanya. Sapat na kaya ang mga taong paghihintay para sagutin niya ako?" ~ RICK MONASTERIO

"Ako ang super bestfriend ni Barbie simula pa noong high school. Sekreto lang natin 'to huh? Naging manhater lang naman 'yan simula nang iniwan siya ni Ruru. Hindi ko alam 'jan kay bestfriend kung bakit naghihintay pa siya eh six years na kaya ang nakalipas. Tama! Anim na taon na nga ang nakalipas pero bestfriends pa rin kami, ngayon ako ang kinuha niyang assistant sa dance studio niyang "Love Hiccups". Ako kaya? May maiinlove din kaya sa'kin? ~ CHARIZ ALCANTARA

"Ako ang bestfriend ni Ruru. Nauna akong umuwi ng Pilipinas para simulan ang business namin. Hindi ko alam 'jan kay Ruru kung bakit gusto niyang magtayo ng business dito eh may successful negosyo naman sila sa USA. Siguro may naiwang girlfriend dito! Chicboy din daw ako sabi nila pero nakakahiya mang sabihin pero NGSB pa ako. Hindi ko lang sinasabi sa kanila kasi parang nakakawala naman ng pagkalalaki 'yon diba? Bakit? May kilala ba kayong pwedend maging girlfriend ko?" ~ JHAKE ANCENO

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon