Tumayo si Ruru at naglakad hanggang sa pinto. Hinabol ni Barbie si Ruru at niyakp mula sa likod.
"Mahal kita. Huwag mo akong iwan."
"Talaga? Ibig sabihin ba nito, tayo na?"
"Uu na. Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang"
--------
Naging masaya ang relasyon nina Barbie at Ruru. Wala silang naging problema sa isa't isa sapagkat silang dalawa ang gumagawa ng paraan upang maayos lahat ng kanilang mga problema.
"Alam mo bang ang swerte mo sa'kin?"
"Ang kapal mo, babe!"
"Anong makapal? Ako na kaya ang pinakagwapong lalaki dito kaya magpasalamat ka kasi si Ruru Madrid ay patay na patay sa'yo"
"Pano ka naman? Hindi ka ba swerte sa'kin? Hindi ka ba maswerteng nagkagirlfriend ka ng maganda, matalino, at seksing kagaya ko"
"HINDI!"
"Ano? Ang sama mo talaga, babe"
"HINDI nga. Hindi ako maswerte. Super swerte ko kaya nga hindi na kita pakakawalan eh"
"Salamat, babe. Graduation na natin bukas. Sana walang magbago kahit magcollege na tayo. Ayokong mawala ka pa sa'kin. Paano na lang ako kung wala ka. Itong pagiging valedictorian ko, nagawa ko ito kasi gusto kitang maging proud boyfriend ko"
"Proud naman talaga ako sa'yo ah"
"Uwi na tayo. Dumidilim na. Magpahinga na tayo para sa graduation natin bukas"
"Ikaw bahala. Halika na! Angkas ka na!"
Hinatid ni Ruru si Barbie sa bahay nila na araw-araw niya namang ginagawa pagkatapos ng klase. Umuwi na rin si Ruru sa bahay nila. Pagdating niya sa bahay ay napatingin siya sa picture ng mommy at daddy niya. Wish niya na sana nandito ang dalawa para makita nilang grumaduate ang anak. Kumain si Ruru at nagpahinga na. Sa kalagitnaan ng gabi, may tumatawag si phone ni Ruru.
"Lola? Napatawag po kayo? Gabing gabi na ah!"
"Apo, may nangyari sa mommy at daddy mo. Naaksidente silang dalawa. Ngayon hindi pa sila nagkakamalay. Pilit kang tinatawagan ng kapatid pero hindi mo sinasagot ang phone mo. Mag-impake ka na. Nandito na ako sa Maynila at naayos ko na rin ang flight natin papuntang US, aalis tayo madaling araw"
"Ano? Lola, hindi pwede. Graduation ko bukas. Dapat mag-attend ako. Minsan lang ito."
"Apo, gagraduate ka pa rin kahit hindi ka aattend sa graduation niyo. Mas importante na mapuntahan natin ang mommy at daddy mo para malaman ang kalagayan nila kaya mag-impake ka na"
"Per lola..."
Naputol ang tawag at biglang natulala si Ruru. Paano ko sasabihin kay Barbie ito? Nagsimula nang mag-impake si Ruru. Malapit na siyang matapos nang dumating ang kanyang lola sa bahay. Nang paalis na sila, humingi ng pabor si Ruru sa kanyang lola na may dadaanan muna sila. Nang napuntuhan nila ang bahay nila Barbie, bumaba si Ruru sa kanilang sasakyan at tinatawag ang pangalan ni Barbie sa labas ng bahay. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero walang taong sumasagot sa bahay kaya naisipan ni Ruru na umalis na lang.
"Barbie, pasensya ka na sa gagawin ko. Mas kailangan ako ng mommy at daddy ko ngayon. Sana sa pagbalik ko, maalala mo pa rin ako. Sana sa pagbalik ko, nandiyan ka pa rin para sa akin. Mahala na mahal kita"
Muling pumasok si Ruru sa sasakyan at pumunta na agad sila sa airport para sa kanilang biyahe.
ANO ANG MAGIGING REAKSIYON NI BARBIE SA BIGLAAN PAGKAWALA NI RURU? MAGKIKITA PA KAYA SILANG DALAWA?
------------------------------
Pasensya na sa mga nag-abang ng kwento. Super late ang kasunod kasi may mga inaakasikaso lang ako. Promise, araw araw nang may kasunod ang kwentong ito. Please leave your comments and suggestions po.