Chapter 6: Ako'y sa'yo at Ikaw ay akin lamang

319 18 15
                                    

Biglang niyakap ni Ruru si Barbie at hinalikan ito sa noo. Pagkatapos ng magical na moment na 'yun ay himalang nawala din ang pagsinok ni Barbie.

"Tingnan mo, biglang nawala diba? Yakap at halik ko lang pala ang solusyon dun eh. Seriously Barbz, thank you talaga. You made my last year sa high school so memorable"

"Ikaw talaga, Ru. Ikaw rin naman eh. You made this year extra special. Bakit ba tayo nagdadramahan? Halika na! Uwi na tayo"

Pagkauwi ni Barbie sa bahay nila may surpresang naghihintay sa kanya.

------

"Rick?" Bakit ka nandito sa loob nga bahay?"

"Kanina pa kasi kita hinihintay. Naawa siguro ang nanay mo kaya pinapasok na lang ako dito."

"Okay, bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Surprise nga diba? Para sa'yo nga pala."

"Wow! Flowers and chocolates. Ano ba okasyon?"

"Makakalimutan ko ba ang bestfriend ko sa Valentines day? Alam mo namang nag-iisa ka lang, diba?"

"Hello, best! Kain na tayo. Nagugutom na ako eh"

"Chariz? Bakit nandito ka?"

"Pinapunta ko siya dito para mas lalong mas magiging memorable ang Valentines day mo. Saan mo ba nakuha 'yang flowers na 'yan?"

"Aaaaah. Ito ba? Bigay sa'kin 'to ni Ruru eh"

"Aaah. Binigyan ka pala  niya ng gifts. Close pala kayo"

"Uu. Mabait naman pala talaga si Ruru eh. Namisinterpret ko lang siya noon."

"Pwede mamaya nang usapan? Gutom na gutom na ako eh"

"Hahaha! Ikaw talaga, best. Halika na Rick"

Pagpasok nila sa kusina, tuwang-tuwa si Barbie kasi halos lahat nga paborito niyang pagkain ay nakahain sa mesa. Nagpasalamat siya ng husto kay Rick sa surpresang kanyang ibinigay. Hindi man tiyak ni Barbie kung ano ang nais sabihin ni Rick pero masaya siya na isa ito sa mga taong nagbibigay ng halaga sa kanya. Kakain na sana si Barbie ng may nagdoorbell kaya pumunta siya agad sa pinto para tingnan kung sino ang kanilang bisita.

"Ruru?"

"Barbie, pwede ba kitang makausap?"

"Anong nangyari? Bakit parang ang lungkut-lungkot mo? Pasok ka! Right timing ka, kakain na kami. Halika, saluhan mo kami"

"Barbie, sino ba ang dumating?"

"Rick, si Ruru. Halika na, Ru. Kain na tayo."

Naging masaya ang pag-uusap ng lahat lalo na ng dumating si Ruru sa bahay nila Barbie. Halos lahat ng usapan napunta sa kanya sapagkat first time lang niya napadaan sa bahay nila Barbie. Lumabas ang pagiging friendly at mapagbiro ni Ruru kaya naman ay madali niyang nakuha ang loob ng mama ni Barbie.

"Kaya naman pala palagi kang kinikwento ni Barbie sa akin eh. Nakakatuwa ka naman kasi pala."

"Ma, sabihin pa talaga 'yan?"

Feeling ni Rick, na-out of place siya sa kwentuhan kaya naisipan niyang umuwi na lang at tumayo sa mesa.

"Rick? Saan ka pupunta? Hindi pa ubos ang pagkain mo."

Hindi lumingon si Rick at patuloy na naglakad hanggang sa labas ng bahay nila ni Barbie.

"Ano nangyari dun?"

"Baka nagselos kay Ruru, best."

"Magseselos? Bakit naman siya magseselos?"

"Uu nga naman. Hindi siya dapat magselos. Close lang talaga kami ni Barbie."

"Toooomoooo!"

Tapos na kumain lahat at pumunta na agad sina Barbie at Ruru sa sala upang makapag-usap.

"May problema ba, Ru?"

"Si mommy at daddy kasi.."

"Nag-away na naman ba?"

"Hindi."

"Oh? Bakit ka naiiyak?"

"Pupunta na silang States. Isasama nila kapatid ko."

"Ikaw? Sasama ka rin ba?"

"Hindi. Ayokong iwan ka."

"Gawin ba naman akong rason?"

"Hindi ah. Barbie, mahalaga ka sa'kin. Ikaw ang rason kung bakit masaya ako, kung bakit nag-aaral ako, at ikaw ang rason kung bakit ayaw kong umalis."

"Huh? Ano ibig mong sabihin?"

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Mahal kita. Can you be my girlfriend?"

"Huh? Ano ba, Ru? Malungkot kang pumunta dito tapos manliligaw ka pala?"

"Ayaw mo ba nun? Malungkot akong pumunta dito, masaya akong aalis dito."

"Pero, Ru?"

"Sige, ayaw mo siguro. Hindi mo siguro ako mahal. Uuwi na lang ako. Sasama na lang ako sa States."

Tumayo si Ruru at naglakad hanggang sa pinto. Hinabol ni Barbie si Ruru at niyakp mula sa likod.

"Mahal kita. Huwag mo akong iwan."

"Talaga? Ibig sabihin ba nito, tayo na?"

"Uu na. Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang"

---------

Pasensya na sa lahat na nag-abang sa chapter 5. Bukas abangan ninyo ang chapter 7 and 8. Naging busy lang talaga ako sa summer classes. Sana magustuhan ninyo ang chapter 6 ng story.

Leave your comments and suggestions po!

MAYBE THIS TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon