Chapter 4 - Best friends or More than friends?

347 11 4
                                        

Pumasok si Barbie sa classroom. Nagmasid at nakiramdam kasi baka mahuli siya na hindi siya pumasok sa classroom. Hindi niya nakitang may balat ng saging sa sahig kaya nadulas siya nang may biglang sumalo sa kanya.

"Bakit naman kasi hindi nag-iingat? Pangalawa na 'yan. Mukhang hindi para sa'yo ang araw na 'to ah"

Biglang napatingin si Barbie sa lalaking may hawak sa kanya.

---------

"Rick? Riiiiiicccckkk! Namiss kita. Daya mo. Sabi mo hindi ka na mag-aaral dito?"

"Sinadya ko 'yon para isurprise kita. Alam mo, natuwa ako nang malaman kong  mamimiss mo ako"

"Of course naman, best friends tayo, diba?"

"Best friends? Pwede ba more than that?"

"Hahaha! Walang ganyanan, Rick. Wala tayong talo, diba?"

"Okay, Sabi mo eh!"

"Bakit ka pala nandito sa bakanteng classroom na ito?"

"Nakita kasi kita kanina na natapunan ng pagkain sa canteen. Eh, sino pa bang may alam ng lugar na pinupuntahan mo kapag naiinis ka? Ako lang naman, diba?"

"Oo nga naman. Ikaw lang pala. Teka, bakit hindi kita nakita sa classroom kanina?"

"Nasa ibang section ako eh. Kinumbinse ko nga mama ko na ipatransfer ako sa section ninyo kaya lang hindi na talaga pede eh"

"Sana nandoon ko para naman mabawasan 'yung pagka bad vibes ng classroom"

"Bad vibes? Bakit naman?"

"Ganito kasi 'yun..."

Umupo sina Barbie at Rick sa sahig ng bakanteng classroom habang ikinukwento ni Barbie kung bakit galit na galit siya kay Ruru. Mula noong nangyari kaninang umaga patungong eskwelahan hanggang sa nangyari sa canteen. Nagkwento din naman si Rick tungkol sa kanyang bakasyon sa USA. Manghang -mangha naman si Barbie habang nakikinig sa kwento ni Rick. Habang nagkukwentuhan sila, hindi nila namalayan ang oras hanggang sa narinig na lang nila ang bell na ibig sabihin ay lunch time na.

"Rick, mauna na ako. Uuwi pa kasi ako. May nakalimutan ako na dapat ko munang kunin, okay?"

"Sige, hintayin na lang kita rito mamaya"

Tumakbo si Barbie papunta sa kanyang bisikleta. Hindi niya makuha ito sapagkat may isang bisikleta na nakaharang sa kanyang sariling bisikleta.

"Naku! Sino ba may-ari nito? Nagmamadali pa naman ako"

May narinig na boses si Barbie at bigla siyang napalingon dito.

"Sa akin 'yan. Pasensya na kung nakaharang ang bisikleta ko. Kukunin ko na lang"

"Hanggang dito ba naman nagpapakalat ka ng bad vibes? Ano ba!"

"Bad vibes? Eh, ikaw lang naman itong galit na galit sa akin kanina pa"

"Kasi naman po, madaling araw pa lang binuwesit mo na agad ang umaga ko"

"Madaling araw? Aaaaaaa. Kaya pala parang namumukhaan kita. Ikaw palang 'yung babaeng nagbabike kanina na nabanggaan ko. Pasensya na talaga. Hinahabol ko lang kapatid ko kasi bigla na lang tumakbo. Baka lumayas eh"

"Lumayas? Ano ba nangyari? Di bale na lang. Okay na 'yun. Iyon lang naman hinihintay ko eh. Na magsorry ka sa'kin"

"Iyon lang ba? Kung kanina mo pa sinabi, e, hindi na sana tayo nag-away. Ako nga pala si Ruru. Huwag mong sabihin hindi ka na naman magpapakilala? Sakit na ng kamay ko"

"Barbie"

"Yan! Maganda ka naman pala kapag nakasmile ka eh"

"Bolero ka rin naman pala noh?"

"Hindi naman masyado. Uuwi ka ba?"

"Sana. May nakalimutan kasi ako eh. Sige, mauna na ako"

Nang magsimula ng magdrive si Barbie. Napansin niyang flat pala ang gulong ng bisikleta niya.

"Paano na ito? Ano ba 'yan? Bakit ngayon pa naflat ito kung kailan may importante akong kukunin sa bahay"

"Angkas ka na lang sa'kin. Saan ba banda ang bahay niyo?"

"Doon lang sa may kanto. Malapit sa malaking convenience store doon"

"Aaaaah. Malapit lang pala. Halika na. Upo kana sa harap ko. Ihahatid na kita"

"Sigurado ka? Aangkas ako?"

"Oo na. Sige na para naman makabawi ako sa'yo. Laki kaya ng atraso ko sa'yo ngayong araw na ito"

"Buti at alam mo"

"Hahaha! Sige na! Angkas na"

--------------

ENDLESS LOVE ang peg nina Ruru at Barbie. ♥

Abangan kung magkakasundo na ba at magkapalagayan na ng loob ang dalawa sa Chapter 5 ng MAYBE THIS TIME.

MAYBE THIS TIMEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon