Chapter 11

80 11 0
                                    

Home

Pagkalabas ko ng library, nakatanggap ako ng text mula kay Ash. Nasa court daw siya at may practice. Since varsity player si Ash, madalas akong tambay sa court nila habang hinihintay siyang matapos kung nauna akong matapos sa mga ginagawa ko.

I headed straight to the Enrique Razon building. When I walked into the court, their practice had already started. Naupo ako sa isa sa mga benches, at parang automatic na nahanap ng mga mata ko si Matt. Mabilis itong gumalaw habang nagdi-dribble ng bola.

Ash has been on the varsity team for a while, but I never even realized that Matt and all of his friends are varsity players too. I've been to his practices before, but I never really paid attention to their games. Kahit ang girls na Lady Spikers rin pala.

Ganito na siguro ako ka-walang pakialam sa paligid ko. Basta makapasok lang ako at makauwi. I've never been a social person. It's always been just me and Ash. Either magkasama kami, o mag-isa ako. Ngayon lang nangyari na dinadamay kami sa mga lakad ng mga kaibigan ni Matt—lalo na ng mga girls na kung minsan, wala na silang ibang ginawa kundi hintayin ako sa labas ng classroom ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang mapansin kong may bagong pasok sa court—si Jiro, ang pinsan ni Blaire. Palinga-linga siya sa paligid kaya kinawayan ko siya ng bahagya. Napatingin siya sa direksyon ko at mabilis na tumakbo papalapit, may hawak na dalawang bote ng Gatorade.

Tinapik ko ang katabing bench para doon siya paupuin na agad niya namang sinunod. Amoy ko agad ang pamilyar niyang soft creamy vanilla scent. Hindi ko alam kung sobra lang ba siyang magpabango, pero kahit hindi gano'n kalakas ang pang-amoy ko, naamoy ko agad iyon.

"I thought you were with the girls," tanong ko nang makaupo siya.

"May practice din sila," sagot niya, mukhang inis. "Umalis na lang ako do'n. Muntik na akong matamaan ng bola." nakasimangot na aniya.

I couldn't help but laugh a little at his expression—it was almost too tempting to pinch his cheeks. Jiro had this soft, delicate look about him. Ang puti at ang kinis pa ng balat nito na para na siyang papel at kapansin-pansin din ang kaunting kurba nito sa mapulang labi. Idagdag mo pa ang singkit niyang mata na nag lalaho at dimples na lumilitaw kapag ngumingiti siya.

"Here," inabot ko sa kanya 'yung waffle na binili ko kanina. Originally para kay Matt, pero bahala na.

His face lit up as he took it, grinning. "Thanks!"

I smiled faintly, watching him eat the waffle with so much enthusiasm. Inalok pa ako nito ng kagat pero inilingan ko lang siya. Jiro really was the cutest thing I'd ever seen. Komportable kasama si Jiro kaya naging malapit din agad kami nito at kahit sa iba.

Napatingin ako kina Ash na naglakad papunta sa puwesto namin. Agad din akong napatingin kay Matt na nakatingin na pala sa akin habang nag uusap sila ni Zach. Kaagad din niyang iniwas ang tingin niya, kaya't hindi ko napigilang ngumisi.

"Jiro!" Sigaw ni Trent habang patakbong lumapit. Agad namang kumunot ang noo ni Jiro, halatang hindi siya natutuwa dahil pawisan si Trent. Pero bago pa ito makalapit nang husto, hinila ni Liam ang jersey collar ni Trent mula sa likod.

"Thanks," ani Liam nang makalapit at iabot ni Jiro sa kaniya ang Gatorade.

"Jiro, akin ba 'tong isa? Thanks, man!" Jet chimed in, grabbing the other bottle before Jiro could protest.

Astang pipigilan ni Jiro si Jet pero huli na ang lahat dahil basta nalang binuksan ni Jet ang Gatorade at ininom. Jiro froze, his mouth hanging open in disbelief, as if Jet had just committed an unforgivable crime. Jet, oblivious, wiped his mouth and looked at him, puzzled.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In the Wake of the SwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon