---Prince's POV---
"Dad." Inaayos nya yung plates nya sa lamesa, suot ang salamin nya. Tumingin sha sakin at tinanong kung bakit.
"Gusto ko po sanang mag desisyon para samin ni EJ."
Itinigil nya ang pag ka busy nya sa kanyang plates at itinabi muna ito para kausapin ako.
"Mukhang seryoso ka, anak?"
"Opo."
"Ano bang desisyon ang gagawin mo?"
"Dad, gusto ko ng mag live in kami ni EJ."
"Bakit parang biglaan ang desisyon mo, anak?"
"Bigla ko lang din pong naisip e."
"Ano naman ang dahilan?"
"Gusto ko na pong bumukod. Sa tingin ko naman po kasi kakayanin ko namang buhayin sila."
Ngumiti si Dad, tapos hinawakan ang balikat ko at bumalik sa lamesa itinuloy nya yung pag gawa sa plates nya. "Alam mo ang sagot dyan."
"Salamat dad."
"Kung kinakailangan mo ng pera, tawagan mo lang ako."
"Dad, wag na. -____- Kalalaki kong tao eh."
"Paano ang mom mo? Pumayag na ba sha?"
"Hindi nga dad eh. -____-"
"Patay ka." Tinawanan nya ako.
"Tss. -_____-"
"Ang mom mo, maraming yang pangarap sayo."
"Alam ko pero dapat suportahan nya parin ako."
"Anak. Alam ng mommy mo kung anong mas makaka buti sayo."
"Anong ibig mo sabihin dad? -___-" naguluhan ako dun ah.
"Wala anak. Ako, suportado sayo. Asan ba kayo titira?"
"Bahay. -_____- malamang bahay dad. San nyo gusto? Sa ilalim ng tulay?"
"Akala ko sa kariton?"
"Tss. -____-" hari ng pambabara tong tatay ko. Dito ko nag mana sa pagiging pilosopo.
"Ako nalang ang gagawa ng kariton nyo." Sabi ni dad. Seryoso sha.
"Tengene. -___- Rent to own kami. Laguna."
"Ang layo naman ng laguna anak."
"Ganun talaga dad."
"Sigurado ka duon anak?"
"Yeah. Pupuntahan ko bukas. Hahanap nako ng bahay na matitirahan namin."
"Si Clyde isama mo."
"Tss. Sasama lang girlfriend nun."
"Sino? Si Sam?" Tumingin sakin si dad ng may pang aasar. Hahaha! Kulit nya!
"Oh bakit?" tanong ko.
"Bakit ganyan ang reaksyon mo kay Sam?"
"Luh? Wala naman. -____- pa issue ka!"
"Nuon hinihingan mo pa ako ng pera panligaw kay Sam na mga bulaklak."
"Nuon yun. -_____-"
"Ayaw mo na talaga sakanya anak?"
Tinignan ko sha tas kumunot yung noo ko. "Tss. May pamilya nako -____-"
BINABASA MO ANG
16 and Pregnant
Teen Fiction[COMPLETED- EDITING] She was my favorite mistake. Sya yung dahilan kung bakit ako nag bago, sya yung dahilan kung bakit natuto akong mangarap at hindi matakot na tuparin yung pangarap na yun. We were just 16, anong mangyayari? Kakayanin ko ba? Kakay...