PROLOUGE

11.3K 118 2
                                    

PROLOUGE

"Walang perpekto, lahat may depekto," Yan ang mga katagang nabasa ko sa isang ad habang naantay ng sasakyan na LRT.

Napaisip agad ako. Wala nga naman talagang perpekto kasi lahat tayo nagkakamali, lahat tayo nakakagawa ng pag kakamali at sino bang may sabing masamang mag kamali? Kung meron man, sasapakin ko yung nagsabi nun.

Kasi ako mismo, nagkamali eh..at yung pagkakamaling yun ang bumago sa takbo, daloy at ikot ng mundo ko.

Pano ba naman eh hindi ako handa sa mga pangyayaring nangyari nuon.

Sabagay, sino bang magiging handa para sa pag kakamaling magagawa nila?

Sumakay ako ng LRT tinatanaw ang kahabaan ng Quezon City at naalala ang bagay na nagawa nuon.. yung pagkakamali kasing 'yon ang sumira sa bagay na lubos na iniingatan ko.

Yun ay nung nakagawa ako ng mali sa babaeng hindi dapat gawan ng mali.. yung babaeng dapat na nirerespeto at inaalagaan. Ngayon pano ko pa masasabi na nirerespeto ko sha kung sinira ko din ang buhay nya?

Diba dapat kapag mahal mo ang isang tao, iingatan mo ito sa lahat ng bagay at pahahalagahan mo.. pero hindi ko nagawa 'yun eh..

NAGKAMALI MAN AKO,PERO..

SA LAHAT NG MGA PAGKAKAMALI KO, ITO ANG PINAKA PABORITO KO.

Dahil, sa pag kakamali kong ito. Ang dami kong natutunan. Natutunan kong magluto, maglaba, mag baby sitter,mag paligo ng baby, maglinis ng dumi ng baby na hindi ko naman ginagawa o nagagawa pa nuon. Wala akong alam sa gawaing bahay, lumaki akong spoiled at dinaranas ang karangyaan ng buhay.

Pero bukod dyan ang pinaka natutunan ko talaga?

Yun ay kung PAANO BA TALAGA MAGMAHAL NG TOTOO.

Natutunan ko din maging responsable..kasi napaka iresponsable ko nuon eh. Wala na akong inatupag kundi man chix, uminom, bumarkada, dun tumatakbo ang buhay ko.

Ito yung pag kakamali ko na hindi mo na pwedeng baguhin pa,dahil tapos na eh nangyari na. Kung may time machine lang eh babalikan ko yung pagkakamaling yun.. kaso parang ayoko nadin baguhin yung pag kakamaling yun.

Dahil dito sa pagkakamaling to?

NAGING MATATAG AKO. Namulat ang mata ko sa mga bagay na matagal na akong nakapikit.

Kaya nag papasalamat ako sa babaeng to..yung katabi ko ngayon na nakasuot ng kulay dilaw na bulaklaking dress. Naka ngiti saakin pinag bigyan ko Kasi sa hiling niyang sumakay kami ng LRT dahil hindi pa ako nakaka sakay dito sa buong buhay ko.

Wala lang. Trip niya lang akong pag tripan. Trip niya lang ako mabadtrip dahil alam niyang ayokong mag commute at makipag siksikan sa madaming tao.

Kadiri.

But for her, I'll make an exception. Hindi ako mababadtrip, hindi ako maiirita. Eenjoyin ko lang dahil nakikita kong masaya siya.

Kapag masaya kasi siya, masaya na din ako.

"Oh diba, enjoy?"

Sabi niya habang naka kapit sa braso ko. Naka tayo kami dahil wala ng mauupuan. Binabalanse ko pa ang sarili sa pag kakatayo dahil walang makakapitan para hindi matumba.

"Anong nakaka enjoy dito?" Busangot na sagot ko.

"Ito! Yung pag sakay dito! Nasa bucket list mo 'to hindi ba?"

Tawa pa siya habang hinaharangan ang katawan niya sa ibang tao. Siksikan, punyeta. Makita ko lang na may dumikit na kamay sa ano mang parte ng katawan niya, tatalsik talaga ng LRT na 'to.

"Anong bucket list? Sinong tangang ilalagay sa bucket list ang pag sakay sa LRT?"

"Edi ikaw!" Tawa nanaman siya ng tawa.

Ang init init! Ang baho pa! Tapos ang saya saya parin niya. Baliw talaga 'to. Pinag masdan ko siya at napangiti nalang din.

Mahal na mahal ko tong babaeng to. Kahit saan niya pa ako dalhin, sasama ako ng walang pag aalinlangan.

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon