CHAPTER 11: Biggest heartache

2.2K 45 12
                                    

---EJ's POV---

Halos isang buwan na ang nakakalipas, since nag paramdam sakin si Prince. March 20, nung birthday nya, after nun hindi ko na sha nakita. Hindi nadin sha nag tetext.

:(

Ako lang naman yung nag pumilit na ipag siksikan yung sarili ko sakanya.

Alam ko namang hindi ako kailanman magugustuhan ni Prince. Hindi naman kasi ako yung tipo nya eh. Malayong malayo ako kay Sam. Napaka gandang babae ni Sam kung ikukumpara sakin.

Wala narin akong balita kay Luis. Siguro, nagising na ako sa katotohanan na talagang iniwan nya na ako at hindi nya na ako mahal. Hindi na ako umaasang mag kakabalikan pa ulit kami. Dahil ayoko narin.

Pagod narin akong masaktan.

Pagod na akong umasa.

Dumudugo na ang puso ko.

Punong puno ng heart breaks. Bakit ba palagi nalang akong iniiwan?

Tama na siguro yung pag hahabol ko sa mga taong ayaw ako.

Naaawa na ako sa sarili ko.

Si Prince, na bestfriend ko, sha nalang ang meron ako. Pero bakit pati sha, iniwan narin ako?

:(

Wala na yata talagang mag mamahal sakin kundi ang sarili ko lang.

Bumaba ako sa sala, breakfast.

O_____O

And speaking of the devil, si Prince! Andito sha! Bakit sha nag pa kalbo?

Ang pangit nya!

Hinihintay ko na tumingin sha. But, bigo ako. Snob nya lang ako na parang walang nangyari saaming dalawa.

Hindi nalang ako nag paapekto at dumiretso papunta sa sala.

:(

Ano bang kasalanan ko at nakakaya nyang tiisin ako ng ganito?

Kumuha ako ng Koko Crunch at milk and slowly kumain ako.

Oh no. Andito din sila sa sala. Hindi talaga ako pinapansin ni Prince. Bakit sha nag pakalbo? Ang dami kong tanong. Hindi naman nasasagot.

Tinitignan ko sila habang kumakain din. Si Clyde katabi ko, sa tabi nya si Prince at sa tabi ni Prince si Kuya Stephen.

Masaya si Prince. Nagtatawanan sila ni Kuya Stephen ngayon. Pinag uusapan nila si Nikko na nadulas daw ng stage kagabi sa sobrang kalasingan.

Oo nga pala. Best friends din sila. Napangiti nalang ako. Ang saya nilang tignan. Ang sarap mag karon ng pag kakaibigan na katulad ng kanila.

^_____^

Wait lang! Bakit parang panis na yung Milk? Medyo nasamid ako. Napatingin sila sakin. Especially si

Kuya Stephen.

"EJ? Okay ka lang?" tanong ni Kuya Stephen. Well, im okay. But somethings wrong with the food.

"Uhm. Yes."

I ate too much kaya narin siguro ganito ang reaksyon ng tiyan ko. This time talagang nasusuka na ako. Wala akong nagawa kundi tumakbo sa C.R.

Nakita kong napatayo si Prince sa upuan nya at sumunod saakin. Whatever. Hindi ako sure pero nilock ko yung pinto ng C.R. at sinuka yung panis na gatas. Gosh. Ano ba yan, bakit nag i stock si Kuya sa ref ng panis? Nakakainis!

"Bes."

Nagulat ako. Namiss ko yung tinatawag nya akong Bes.

"Okay ka lang bes?"

Gusto ko na mag drama. Hindi ako okay. Pag katapos nyang iwanan ako ngayon bigla shang magtatanong kung okay lang ako? Nako. Grabe sha. Nag tatampo na ako.

Hindi ko sha pinansin. Kumakatok sha. Narinig ko din sa labas yung boses ni kuya. Dun ko na binuksan yung pinto.

"Kuya! Bakit ka nag i stock ng panis na gatas sa ref? Ang pangit ng lasa! NAKAKA INIS! "

Sumigaw ako doon at umalis. Hindi ko nadin pinansin si Prince. Dumiretso ako sa kwarto ko at dinial ang number ni Camilla. Somethings wrong with me. Ilang linggo na akong ganito. Kinakabahan na ako. Wag naman sanang tama yung iniisip ko. Nag cross fingers ako. Please. Just for the sake na tahimik ang buhay naming lahat.

"Hi. Camilla. I need you."

"Anyare?"

"Uhm. Okay. Ganito, comeover. Girls talk. Please? I badly need you."

"Okay. Papunta na ako."

After 25 mins, andto na si Camilla.

"Anyare be?"

"Nagsusuka ako."

Nanlaki yung mata nya.

"Dont tell me?!!! Bitch ka. Teka!"

Sinarado nya yung pinto sa kwarto ko at ni lock.

"Sinong ama?!! Si Luis ba?!! Bakit hindi mo to sinabi sakin? Ang bitch mo! Teka! Teka! Kailan ka huling nag karon?"

Ang daming nyang tanong! Ano ba. Hindi pa nga sure eh. At hello, nananalangin akong hindi tama ang iniisip ko! Nag bilang ako sa kamay kung kailan nga ba yung last?

"March 12?"

"Teh, April 30 na ngayon. Anong petsa na?"

"Camilla. Wag kang bitch. Malay mo, uhm.. delayed lang."

"Be, alam na ba ni Luis yan? At alam na ba ng Kuya Stephen mo yan?"

"Be. May kasalanan ako.."

"Ano?"

"May.. uhm.. may nangyari samin ni.. uhm.. hehe.. ni.. Prince.."

Nanlaki yung mata nya at napahawak sa bibig nya, gulat na gulat sha. Siguro dahil narin alam nilang bestfriends kami at hindi kami parating nag kakasundo, lagi nga kaming nag aaway eh para may mangyaring ganun at isa pa, hindi naman nila alam na nag break na kami ni Luis. Tinuloy ko pa yung sinasabi ko.

"At.. ayokong malaman ito ni Kuya Stephen. Please lang. Alam mo naman eh. Alam mong mapapatay ni Kuya si Prince kapag nalaman nya to.. ayokong masira ang friendship nila."

Wala nalang shang sinabi at niyakap nalang ako. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako.

"May bibilhin lang ako. Dito ka lang."

Pag ka balik ni Camilla, may dala dala shang supot ng mercury drug. Alam ko na ang laman. P.T. or Pregnancy Test. I need to face this. Kinuha ko yun at dumiretso sa C.R. Kinakabahan na ako. Sana naman wag dalawang pulang guhit yung lumabas.

I took the P.T.

1st try, SHIT.

Positive.

2nd try, my gosh..

Positive parin.

Nawawalan na ako ng pag asa. Mukhang alam ko na ang sagot.

Last try.

Still, positive.

Ouch.

</3

I'M ONLY 16 AND PREGNANT.

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon