---EJ's POV---
"Tssss. Ej, aminin mo nga sakin. Kaya ka ba dinugo kanina dahil nag try ka na ipalaglag yung bata?"
"Oo.."
Pag ka sabi ko nun, yung mukha nya, parang sasapakin na ako. Nakakatakot.
"Ano ka ba? Ej, bakit mo ginawa yun?"
Napa yuko sha at umiyak. Hindi ko inexpect na ganito ang reaksyon nya. Ang ineexpect ko ay i eencourage nya akong ipalaglag yung baby if ever na dumating tong araw na to. Shempre kilalang kilala ko si Prince, hindi yan nag seseryoso sa babae.
Takot lang ako pero the way na mag alala sha sakin ngayon? Hay. Gusto ko na tuloy mag smile kaya lang nakokonsensha ako sa ginawa ko.
Hindi naman kasi totoo na nag try akong ipalaglag yung baby. Ano ba kayo! Hay. Hindi ko kaya yun. Hindi ko kayang pumatay lalo na sariling laman ko to.
Sinabi ko lang naman yun kasi.. gusto ko makita kung tama ba yung expectations ko, na ayaw nya, shempre si Prince kailan ba nag seryoso yun? Hindi ko pa nakita.
Ang totoo nyan, theres a bleeding kasi mashadong mabigat daw yung baby at hindi kinakaya ng body ko sa age kong 16 years old. Means, ang lakas kong kumain. Hay. Hehe. Ang taba ko na nga daw > _____
Infairness, kinilig ako sa mga sinabi nya at sa binigay nyang boquet of white roses pati na dun sa letter. Nawala yung galit ko sa pang iisnob nya sakin. :">
"Ano yan EJ? Anong nginingiti ngiti mo?"
Ay hala! Nakita nya ako?! Kala ko umiiyak sha? Hays!!
"Uhm.. wala.."
"EJ. Please, for the last time na hihiling ako. Please, wag mo ng uulitin yun?"
Ang seryoso ng mukha nya. Natatawa tuloy ako. Kaso hindi pwede. Bawal! Malalaman nya na hindi naman totoo yung mga sinabi ko. Hays!
Nakatingin lang ako sakanya. Hindi ako nag sasalita.
"Papanagutan ko yan. Kaya please, never mo ng maisip na ipalaglag yung baby natin?"
Awwwww. Baby natin? Huhu. Ang sweet. Kakakilig naman to. Ang gwapo pag seryoso. Hays.
"Ano ka ba? Ang baliw mo. Kanina iyak ka ng iyak, ngayon ngumingiti ngiti ka dyan. Abno ka talagang babae ka."
Umiling iling sha after nyang sabihin yun at lumabas ng pinto. Hala? Nangyari dun? Iniwan nanaman ako? Prince talaga!! Ang lakas ng topak!! Letse!! -_____- o baka naman napansin nyang walang luha yung iyak ko kanina at puro inarte lang yun? Hala! Baka kaya nabadtrip? Ay! Kainis!
Pumasok na si Camilla sa loob.
"Anyare kay Prince? Inisnob ako sa labas."
"Hindi ko alam. Napansin nya siguro na fake yung iyak ko kanina."
"Anong iniyak mo te?"
"Sabi ko gusto ko ipalaglag."
"Gaga ka talaga EJ! Mababadtrip talaga yun. Hahahaha! Loka loka!"
"Eto naman, tinignan ko lang naman kung papayag shang ipalaglag ko or ipag lalaban nyang hindi. Ayun, ayaw nya. :)"
Naka ngiti ako habang nag kukwento. Nakakainis lang si Prince. Biglaang umaalis parang tanga! May topak nanaman!
"So, kilig peps ka naman?"
"Bastos! Hindi ah!"
"If i know! Anyare kay baby mo?"
"Kailangan kong mag diet! Hindi daw kinakaya ng katawan ko yung bigat ng baby."
"Nye? Eh 1 month palang yan ah? Mabigat agad?"
"Nag taka nga din ako dun sa sinabi ng doctor. Hays. Parang jinojoke time lang ako."
"Baka kasi, payatot ka. Kaya ka dinudugo, hindi kaya ng katawan mong mag buntis sa ganyang age. Mag pataba ka!"
"Camilla, im afraid.. paano kung napipilitan lang si Prince na..panagutan ako? Paano kung ayaw naman nya talaga? :("
"Kailangan nyang mapilitan. Anak nya kaya yan!! Sure ka ba na sha yung tatay nyan?"
"Gaga. Malamang!"
"Malay mo kay Luis yan."
"Hays! Camilla! Sabunutan kaya kita?"
May pumasok na nurse, tinanong ko kung anong tawag sa nangyaring bleeding sakin kanina, sabi nya, Implantation Bleeding daw. Normal daw yun sa mga nag bubuntis. Yun yata yung pinaka explanation ng doctor sa mga sinabi nya sakin kanina, he just furtherly explained it kasi minor age ako at baka hindi ko maintindihan. Its like telling me na positive parin ang nangyari, for me to not worry.
BINABASA MO ANG
16 and Pregnant
Teen Fiction[COMPLETED- EDITING] She was my favorite mistake. Sya yung dahilan kung bakit ako nag bago, sya yung dahilan kung bakit natuto akong mangarap at hindi matakot na tuparin yung pangarap na yun. We were just 16, anong mangyayari? Kakayanin ko ba? Kakay...