CHAPTER 22: Its over.

1.9K 28 0
                                    

---EJ's POV---

"Ej."

Jusko. Nagulat ako! Si Prince lang pala. Naka sandal yung ulo nya dun sa pinto. Namiss ko sha! Ang tagal nyang hindi umuwi mga 2 weeks, pano kasi may reunion ang barkadahan nila sa pampanga. Eh hindi na ako sumama kasi shempre ang tagal ko nawala hindi ko na kilala yung mga barkada nya tsaka may pasok si King eh.

Itigil ko yung pag luluto ko para lapitan sha.

"Hi beh! Kamusta ka?" Niyakap ko sha.

"Hi daddy!"

Ngumiti lang sha sakin tapos binuhat si King.

"Usap lang kami ng mama mo ah?"

"Bakit beh? Anong problema?"

Kinabahan ako..

Yung feeling na ang bilis ng tibok ng puso mo..

Tapos..

Hindi mo alam yung dahilan..

Ano bang nangyari?

Tinignan ko yung mukha nya.

Seryoso..

Mukhang badtrip?

Hinawakan nya yung kamay ko paakyat sa itaas.

Yung kaba ko..

"Beh, ano ba nangyari?" Sabi ko.

Hindi nya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa kwarto. Sinarado nya yung pinto. Umupo naman ako dun sa kama.

Lumuhod sha sa harap ko.

Nag tataka ako kung bakit.

Bakit kailangan nya pang lumuhod?

Nakayuko lang sha.

Ano ba nangyayari?

Naguguluhan na ako.

"Ej.." Hinawakan nya yung kamay ko. Lalo tuloy akong kinabahan.

"Prince. Bakit ba? Ano bang problema?"

Nababahala na ako.

Naguguluhan.

Di ko maipaliwanag yung naiisip ko.

"Ej. Sampalin mo ako."

"Huh? Bakit ko naman gagawin yun Prince?"

"Basta. Saktan mo ako. Sapakin mo ako. Lahat ng sakit iparamdam mo sakin."

"Naguguluhan ako Prince. Ano bang nangyayari sayo? Lasing ka ba?"

Nakita ko may pumatak na luha sa mga mata nya.

Bakit sha umiiyak?

"May nangyari samin ni Sam."

Nanghina ako..

Totoo ba yung sinabi nya?

May nangyari sakanila ni Sam?

Bigla nalang akong napaluha.

Nanginginig yung kamay ko.

Pati buong katawan ko.

Para akong nakuryente sa narinig ko.

Tinignan ko lang sha.

Umiiyak din sha.

"I'm Sorry. Sorry Ej."

Niyakap nya ako.

Pero..

Pakiramdam ko wala ako sa mundo..

16 and PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon